Tila ba sin tagal ng habang buhay ang ipinangako mong “sandali lang”. Ubos na ang oras
sa relo pati ang pag asang tayo ay magkikitang muli. Tapos na ang pananabik ko sa hele
mo, tapos na ang malungkot na gabing hinahanap hanap kita ngunit kung minsan ay
bumabalik balik parin ito, TULAD NGAYON.
Tapos na ang sandali lang at nanaig na ang “kay tagal” wala ka parin.
Nakalimutan mo na ata ang luha sa aking mga mata ng ikaw ay lumisan, Hindi na ata
sumusikip ang dib dib mo sa twing maaalala mo ang mga oras na iyon.
Na- aalala ko pa nung sinabi mo sa aking babalik ka, hindimo ata alam ngunit
pinanghawakan ko iyon, mahigpit ang hawak ko sabay ng patnubay ng aking panalangin na
iyong tutuparin ang mga pangako.
Naalala ko pa rin ang kinang ng luha ng yong mga mata, ang yakap mo, mainit parin sa
katawan ko, umiiyak ka ng mga oras na iyon, ang sabi mo’y gagawin mo iyon kahit pa labag
sa kalooban mo. “ bakit nga ba kailangan nating gawin ang mga bagay na hindi naman natin gusto?”
Iyon ang tinatanong ko ng mga oras na iyon, ngayon ko lang naisip, akoy iniwan mo dahil sa salitang
“kapakanan.” Lumakad ka nang papalayo, hila hila mo ang napakabigat na maleta. Ngunit alam ko,
nararamdaman ko, wala ang bigat nito sa hirap ng dibdib na nararamdaman mo ng mga oras na iyon.
Hindi kana lumingon pa, dire-diretso ang lakad mo. Nakayuko ang ulo.
Hahabulin sana kita ngunit may ilang mga katawana ng pumigil sa bubwit kong katawan wala na akong
nagawa maliban sa pag iyak at pag tawag sa iyo.
Isang linggo, dalawa, tatlo, apat. Hindi ko parin maintindihan kung bakit kailangan mong mong lumisan
tinatanong ko silang lahat, si lolo, si lola, si tiya at si tiyo, iba iba ang binibigay nilang mga sagot
mababaw na paliwanag para sa mang mang kong isipan.. hindi nila alam habang silay tulog, dahan dahan
kong pinagtatagpi ang iyong mga dahilan. Umalis ka pala dahil sa kagustuhang maibili ako ng chokolate
na talagang gustong gusto ko. Natandaan mo ba ng huli akong magpabili sa iyo noon? Ang sabi mo’y
wala tayong pera, hindi ba’t naintindihan ko naman iyon?
Gusto mo raw pala ako ibili ng manika na katulad ng kay dayday, yung napakagandang manika, sabi mo
ay kamuka ko ang manikang iyon pareho kaming napaka ganda, nagtataka lang ako, hindi ko naman
hiningi sa iyo ang manikang iyon..
May nagsabi namang gusto mo raw akong bilihan ng magndang damit at mga sapatos. Nong katulad ng
mga suot nila neneng at dada? Hindi mo siguro alam kasya pa naman ang mga luma kong damit at
maayos pa naman ang nag iisa kong sapatos. Bakit kailangang bumili ka pa? Hindi ba’t lagi mong
sinasabi na dapat pag tyagaan kung ano lang muna ang na- andyan?
Tinahi ko ang mga dahilan mo, nakakalungkot isiping wala akong kasamang ina dahil sa salitang
kapakanan, napaka bigat naman ng kapalit para lamang sa mga manika at sapatos na iyon, kailanngan pa
nating malayo sa isa’t isa,. Hindi ba’t sabi mo, ako na lamang ang meron ka at ikaw na lamang ang
meron ako?
Dahil sa salitang kapakanan lumaki akong parang ulila. Walang kinalakihang ina, mas lalo naman sa ama.
Sana man lamang nanay tinanong mo ako kung gusto ko ng chokolate, manika at sapatos. Bigla ka na
lamang umalis ang iniisip mo yata’y pinagpalit na kita para sa mga materyal na bagay na iyon.. hindi ko
naman kailangan iyon, mas kailangan kita..
Nasaan kanaba talaga? Labing limang pasko, bagong taon at kaarawan ko ang lumipas.. pang labing
anim na ngayon, uma-asa pa rin akong malapit ng matapos ang pangako mong sandali lang.
Maligayang pasko Inay, ihahalik na lamang kita sa apo mo.
The end..
BINABASA MO ANG
susong walang gatas. (short story)
Short Storynapakalaking tungkulin ang pagigng isang ina. parang gatas sa kanyang suso, napakahalaga sa pagpapalaki ng kanyang anak.