Today was a fairytale

157 12 3
                                    

^PROLOUGE*

/Runaway-Ezra band/

"Say it's true , there's nothing like me and you

Im not alone , tell me you feel it too "

Sa mundong ito, mapayapa ang bawat lugar ( And i would run away )

May palasyo na kung nasaan ang Hari at Reyna ( I would runaway , yeah ... yeah )

Prinsesa't , Prinsepe na susunod sa kanila ( I would runaway )

At sa kanila din nauso ang salitang Happy Ending ... ( I would runaway with you )

...

Sa tingin kong naiimagine niyo ngayon ...

nasa fairytale tayo .

pero wag kayo masyado mag assume ..

GUYS FACE THE REALITY ...

Sa panahon ngayon hindi na uso ang mapayapang lugar ... Kahit sa tabi tabi lang may makikita na kayong mga taong hilig makipag basag ulo eh . Kapitbahay nga namen na mag asawa walang gabi na hindi nagsasagutan ...Tatawagin niyo pa bang mapayapa yun ??

Hindi narin uso ang Hari at Reyna ... Depende nalang siguro sa mga naniningil ng utang sa lugar niyo o Kaya naman sa mga mayayamang nag pipiling na akala mo Hawak na nila mundo ...

Isama mo pa mga anak nilang Nagpipiling Prinsesa't Prinsipe sa sobrang yabang ! Susunod na ata sila sa yapak ng mga magulang nila eh -.-

...at higit sa lahat...

HINDI USO ANG HAPPY ENDING .

WALANG HAPPY ENDING .... OKAY ?

Kung sa fairy tales na nakita niyong si Cinderella inapi tapos nakakita ng fairy Godmother at tinilungan siya upang makapunta sa isang palasyo kung nasaan ang prinsepe ... sabay nagkaroon ng happy ending ..... HINDI PO IYON TOTOO . Sa panahon ngayon , Ubos na ang mga prince charming ... at kung sakaling may natira pa ... ayun yung iba nakuha na ng mga magaganda at mga mayayamang babae .

wala ding Fairygod mother na papalitan ang isang PUMPKIN bilang Golden carriage , mga MICE bilang Horses at ang LIZARD na magiging Footmen ?

Kung nakakapanood din kayo sa isang teleserye na kung saan lumalabas ang

"KNIGHT IN SHINING ARMOR" kapag inaapi na ang bida ... Itigil na yun. kadramahan . walang ganun ...

Nabubuhay nalang ang mga tao ngayon sa pera ... dahil sa Pera ... PERA!

Kaya di na uso ang lablayp lablayp

Today was a fairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon