KACHAKAHAN 21

801 18 2
                                    


CHAPTER 21

Mga beshie na miss nyo ba ako? sige nga comment ka sa lines na to kung na miss nyo ang kachakahan ko, chos!

Mga bes, magugulat kayo sa sasabihin ko sa inyo, last 9 chapters nalang ng kwento na to dahil minamadali ni otor ang buhay ko. Oh ano bes, nagulat ka ba? patingin nga ng mukha kung paano ka magulat? chos! Tong otor na palaging minamadali ang stroya nya, may lakad? May taxi na naghihintay sa labas ng bahay? Natatae? Hmp!! Yung tipong di pa nga ako na kukuntinto sa pag lalandi ko kay Terrence my love, ehh puputulin na nya ang kilig moments ko. Minsan talaga tong otor na to bitter din ehh, ayaw nyang may taong lumiligaya sa ngalan ng pag-ibig. Pag kami nag kita nyan, gagahasain ko yan ehh, chars lang!

At may good news ko sa inyo mga bes, almost one week na akong hindi late sa office ni Terrence, lagi ko na syang nauunahan, at dahil sa panalo ako sa deal naming dalawa na mag papaunahan kami sa pag pasok ng office ay may dagdag sahod lang naman ako, ehihihi, pero wag nyong ipagkalat yan mga beshie ah, secret lang namin ni Terrence yun,at hindi alam ng iba, kahit si Clifford.

Kwento ko lang sa inyo mga bes nanuod kami ni Clifford ng sine kahapon, niyaya ko nga si Terrence para di na sya magselos, pero ang lolo nyo ay ni-refuse ang paanyaya ko, chars! Busy daw kase sya sa pag-iimbistiga sa traitor sa loob ng kompanya, kaya kami nalang ni Clifford ang nanunod.

Napagkamalan pa nga kaming dalawa ni Clifford na mag jowa, tas ang iba naman napagkamalan kaming mag amo daw, sya ang boss ko at ako ang muchacha. Gigil din ako ng mga tao na yun ehh!

Nang pumasok na kami ni Clifford sa sine ay don kami pumwesto sa PINA lane na tinatawag nila, sa PINA-ka ibabaw, sa PINA-ka likod at sa PINA-ka madilim. Yun kase ang nakuhang slot ni Clifford, nagtataka pa nga ako ba't yun ang kinuha nya, di ko tuloy magawang mag-isip ng kung anong kahalayan, chos!.

Pumwesto na kaming dalawa at umupo sa aming nabiling slot at syang pagtutok namin kaagad-agad sa palabas. Kung ako ay panay ang lingon ko sa aking kaliwa, kanan at likuran, si Clifford naman ay nakatutok lang sa screen, parang hindi na nga kumukurap, may sex scene kase mga beshie. Alam nyo naman, yun ang favorite part ng mga lalake sa pelikula!

Sa kalagitnaan ng aming panunuod ay napasigaw ang mga audience dahil sa isang intense kissing scene, sex scene na syang kinaiinisan naming mga bitter at single. Napa lingon ako kay Clifford at ang nyeta wagas kung maka ngiti, kilig na kilig ehh, tinitigasan na marahil ang kumag na to. And mga bes, in my whole life ay ngayon palang ako naka kita ng lalaking kinikilig dahil sa kissing scene.

Siniko ko si Clifford para awatin sya sa kanyang walang humpay na pag ngiti.

"uy! Wagas ka kung makangiti ahh!!! Tigang?"

"gagu, hindi ahh, hipuin mo pa ehh, joke lang" ngisi nya habang titig na titig sa kanyang pinapanuod. Mga bes wag nya lang talaga ako hamunin ng ganun, kilala nyo naman ako, masunuring bata at masipag pa, gagawin ko talaga yang gusto nyang ipagawa sa akin, chos!

"ikaw talaga Yna, wag mo nga istorbohin ang kilig moments ko" pag hawak nya sa pisnge ko para ilayo yun sa kanyang mukha.

I took a very deep breath at kumain nalang ng pop corn. Kung ang iba ay kilig na kilig sa kanilang pinapanuod ay ako nama'y inis na inis. Bitter kase ako mga bes ehh, kaya alam nyo kapag may nakikita akong ganun, galit kaagad si ako. sana pala dagdagan ng MTRCB ang kanilang warning ads bago mag start ang palabas yung 'ang programang ito ay rated SPG, may maseselang eksena, linggwahe, karahasan, horror, droga, at landian scene na hindi angkop sa mga bitter na single. Ganun dapat mga bes! Ma suggest nga yan sa senado!

Mahirap Kapag Chaka (Under Revision)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang