KACHAKAHAN 22

851 25 4
                                    



CHAPTER 22

Mga bes, na release na ang bagong magazine na matagal ng nakatengga sa VBL. Dinagdagan kase ng mga nasa printing department ang features at mga story, at pinagawa din nila ako ng bagong article para naman hindi katulad do'n sa kalaban namin ang itsura. Baka kase sabihin ng mga readers na copycats version yun sa amin, lalo na't kami naman ang nauna sa paggawa, nahuli nga lang sa pag release.

Mga bes todo kontra pa nga si Charmel sa utos ni Terrence na ilagay ang name ko as writter sa isang article pero ang nyeta todo solsol sa mga panel na wag na daw baka kase pag alam ng mga readers na panget yung author ay hindi sila bibili.

Hays, tong Charmel na to sarap talagang pakuluan sa kawa. Gigil nya ako mga bes ehh! di porket panget ang writter wala ng karapatang magpalabas ng akda.

Tanda ko pa no'n no'n college ako, ginroup kami ng teacher namin para gumawa ng film, at yung leader namin inatasan nya akong gumawa ng script pero may kaklase ako na kumontra, ano naman daw ang alam ko sa pag gawa ng script ehh yung mga gawa ko daw sa school publishing namin ay hindi naman daw pinapansin. Pinapili pa nga ng leader namin kung payag ba silang ako ang gagawa ng script pero lahat ng ka-gropo ko maliban sa leader namin ay nag say NO. kaya hayun mga bes mula no'n ay bumaba ang self esteem ko, but dahil din sa pang lalait nila sa akin, at maging sa mga sulat ko ay hindi yun naging hadlang na tumigil ako sa pagsusulat, imbis ginamit ko yung panglalait nila sa akin to prove them they're wrong sa iniisip nila sa akin.

At ngayon mga bes, pati pa ba naman dito sa trabaho ko ay pinuputulan din ako ng karapatang magsulat. Mahirap nga talaga kapag panget, walang pumapansin sayo, walang may gustong makinig sayo, at walang naniniwala sa yo.

Minsan nang gumawa ako ng account sa wattpad para ilathala lahat ng naisip kong istorya ay kunti lang ang follwers ko. kapag alam kase ng mga readers na panget ang author ay nag u-unfollow sila, at ang iba naman ay namba-bash pa. Alam na alam ni otor tong sintimento ko dahil maging sya ay nakaranas ng ganun. Pero unlike him, ay ni-delete ko ang account ko, kahit ano pang husay mo sa pag gawa ng istorya kung wala din namang pumapansin sayo worthless lang din, pero para sa mahal kong otor ng istorya na to at sampo sa aming mga characters sa mga istorya nya, proud na proud kami dahil kahit wala man syang gaanong followers at readers ay nag ta-tyaga parin sya, sabi nya kase sa akin, baka hindi pa ito ang oras na inilaan sa kanya ni God to shine, malay nya daw someday, mag karoon na sya ng libro na makikita sa national bookstore, taray ng pangarap ng otor natin. Kaltukan ko kaya bunbunana nito ng matauhan, chars!!!

-






Ito ako ngayon mga bes, nasa table ko sa office ni Terrence my loves, nakatitig sa kanyang larawan as cover sa aming magazine. Naka topless ang lolo nyo at binalandra nya ang kanyang hubad na katawan. Ang hot nga nya mga bes, di ko tuloy maiwasang mag feeling wet, charot lang! itatabi ko tong magazine na to sa pagtulog ko mamaya, ehihihi!

Sa totoo lang mga bes, hindi naman sana si Terrence ang dapat nasa cover dahil ang theme ng magzine namin ay about sa broken hearted. Dahil sa ayaw ni Terrence na mag ala copycats ang magazine namin sa aming kalaban ay nag pasya syang sya nalang ang gawing model sa cover, at imbis na Broken Hearted ang title ng magazine na tulad sa title ng magazine na nilabas ng kalaban namin ay pinalitan nya yun ng... 'nagmahal, nasaktan, naghubad'.

Hays, mga bes, nagigigil ako ng subra sa abs ni Terrence sa magizine na to, madami na ngang kiss marks mga bes ehh. ihihihi!!!

Talande ko talaga!!

Mahirap Kapag Chaka (Under Revision)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang