"Late ka na naman. Hindi ka na ba talaga magbabago? Alam na alam mong bawal na bawal sa school ang palaging late dahil once na magkaroon ka na ng three consecutive lates, one day suspension ang matatanggap mo."Sermon, sermon, everyday na lang akong nakatatanggap ng paulit-ulit na sermon. I didn't get the point of her unduying preach every morning dahil wala namang nangyayaring maganda kung pagagalitan na lamang niya ako nang pagagalitan.
"Who told you to enroll me to that school ba? Sa dinami-rami ng magagandang schools around our community, pilit mo pa rin akong pinapapasok sa school na kahit kailan ay hindi ko naenjoy. Come to think of it Ma, are you wondering sometimes kung ano na lamang ang sinasabi sa akin ng mga kaklase ko?" wika ko naman palabalik sa kaniya.
Nakasuot na siya ng kaniyang uniform habang ako nama'y nakaupo pa rin at nakatunganga sa pagkaing nasa harapan ko lamang. Bakit ba? I find sleeping late cool kaya naman ganito na lamang ako kakupad tuwing umaga. She must understand my situation. Besides, I'm a teenager and it's normal to hate waking up early.
"Sumasagot ka pa talaga Vanessa, ha? Ano na nga lang ang sasabihin ng mga tao sa paligid mo? Na naturingang guro ang nanay mo, gan'yan ang ugali mo? Umayos ka. Hindi na ako natutuwa sa kabastusan mo. Tandaan mo, you will only realize the value of things when it's gone," aniya pa at walang ano-ano'y naglakad na paalis.
That's how we worked our everyday. Akala ko noon, it would be a great advantage if you have a parent who is also one of your teachers but I realized that it was just pure bullshit. I mean, hindi ko magawang itayo ang sarili ko gamit ang sariling mga paa sapagkat buong buhay ko, palagi na lamang nakabuntot ang bawat sermon at pakikialam niya. How would I enjoy the rest of my teenage life?
Kahit minsan sa room, madalas kaming magkaroon ng awkward situation dahil nga nanay ko siya at the same time, subject teacher which makes my classmates confuse kung bakit ganoon na lamang ang mga nakukuha kong grades even though, pinaghirapan ko naman talaga 'yon. Hay! Poor country. Crab mentality is everywhere.
Since late na rin naman at ang first subject ko pa ay ang klase ni Mama, hindi na ako nagmadali pa dahil for sure, mapapahiya na naman ako nito sa klase. Wala na akong pakialam pa. Kung mapaparusahan ako ng 1 day suspension, fine. It's very fine with me since wala rin naman akong napapala sa everyday classes ko kundi pangungutya at kung ano-anong pang-aasar.
I hate my life. I hate everything around me. Hatred is with me through the years but I'd never given a single damn. I don't know why. I know I'm out of control sometimes but I don't regret or compromise.
Sa pagsakay ko pa lamang ng jeep, ramdam ko na ang kung ano-anong tingin nila sa akin but as usual, I didn't give a fuck. Kung tingin nila'y malandi akong tao dahil sa kulay blue kong buhok, I don't care. Black nail polish fits me well too as well as my oversized black shirt. Wala akong pakialam, inuulit ko.