Pastry Chef vs. Chief Cook (Part XIX)

252 10 0
                                    

PCvsCC : (The Result)

Martin's POV

tahimik akong gumagawa ng bagong klase ng tinapay na ila-launch ko kinabukasan

"ga!" nakangiting bati sa akin ni allen, nginitian ko lang ito bilang sagot

sinabuyan ko ng harina ang stainless na lamesa at saka ko binuhat ang 5 kilong masa at saka ito itiniklop hanggang sa makapag form ako ng isang malaking bilog

"ui sungit my loves" pang uurat nito sa akin sabay sundot sa tagiliran ko,

"ANTIPATIKO!" bulyaw ko dito

"hahahahahaha asar talo" natatawang sabi nito saka naupo sa dulo ng lamesa kung saan ako nag mamasa

"HOY ANTIPATIKO TIGILAN MO KO! KUNG AYAW MONG IBABATO KO SAYO TONG ROLLING PIN! DI MO BA NAKIKITANG BUSY AKO!" bulyaw ko muli dito, alam namang busy ako nang buburaot pa

"kaya mo? sige nga gawa, alam ko namang di mo magagawa sakin yan love na love mo kaya ang antipat--" di na naituloy ni Allen ang sasabihin nya ng bigla kong damputin ang rolling pin sa tabi ko at agad ko itong pinalipad sa kanya na mabilis naman nyang nailagan

"WOAH! ang bangis naman ng asawa mo bro" biglang sabi ni Greg ng bigla itong sumulpot dito sa loob ng kusina at saka natawa

"ISA KA PA! AMPAW IBABATO KO SAYO TONG TRAY!" banta ko dito

"kalma haha ang hot mo nmn msyado" natatawang sabi nito saka itinaas ang dalawang kamay, sinamaan ko ito ng tingin at saka ko mabilis na dinampot ang tray, pero bago ko pa to maibato ay mabilis naman itong inagaw ni Allen

"ANO BA'T BITAWAN MO NGA KO! IKAW ANG TATAMAAN SAKIN" angal ko dito, "I love you" bulong nito sa akin, nakaramdam naman ako ng konting kilig kaya tumahimik lang ako at saka bumalik sa pag mamasa

"magpahinga ka muna anong oras na ikaw nalang ang tao dito sa kusina" paglalambing nito sa akin, sasagot na sana ako ng bigla nanamang umentra itong si Greg

"AWTS M2M again! hahaha" binato ko kagad ito ng nakamamatay na tingin at mabilis kong dinampot ang isang round pan sa gilid ko,

"GINAGAGO MO BA KO AMPAW!" sigaw ko dito at mabilis ko itong pinaliparan ng round pan at tumama ito sa ulo nya

ouch! daing nito

muli ay bumalik ako sa pag mamasa ng dough, kakamot kamot ito ng kanyang ulo habang nag lalakad papunta sa kinatatayuan ni Allen

"bro pwede ba kitang kausapin?"

"sure spill it out" sagot ni Allen

"in private sana, yung tayong dalawa lang" sabi naman ni Greg

mabilis ko itong tinapunan ng masamang tingin, ngumiti lang ito sa akin at saka nag peace sign

tumango naman sa akin si Allen at saka inakbayan si Greg at nag lakad na palabas ng kusina, hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy ako sa ginagawa ko

Allen Frits POV

andito na kami ni Greg sa outside part ng cafè dumukot ito sa bulsa nya ng sigarilyo at saka ako inabutan, sinindihan nya ang kanya at saka iniabot sa akin ang lighter

"ano yung sasabihin mo bro?" panimula ko saka ko sinindihan ang sigarilyong nasa daliri ko at saka ako humithit

"bro about kay Bernice" panimula nito saka ulit humithit ng sunod sunod sa hawak nitong sigarilyo

Pastry Chef vs. Chief Cook (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon