"Naniniwala ka ba sa fall-out of crush, Liz?"
"Huh? May ganun ba? Parang wala naman ata Fia." Fall-out of Crush? Ewan ko lang. Hindi pa kasi ako nagkacrush kahit minsan. I'm too young for that and I don't have time sa mga ganyang bagay.
Nasa may park kami ngayon ni Fia. Bestfriend ko siya since childhood. Ewan ko lang kung bakit siya nagtatanong ng mga ganitong klaseng tanong.
"Bakit mo ba natanong Fia? Share naman! ^__^"
"Wala lang. Sumagi lang sa isipan ko."
Parang ewan din talaga minsan ng bestfriend ko. Hindi ko na siya kinulit pa sa kung bakit niya natanong yun. Pagkatapos naming mamasyal sa park ay nagpaalam na kami sa isa't-isa at umuwi na.
Days passed by at malapit na palang magChristmas break. I'm a 4th year High School Student. Education is very important to me kaya wala talaga akong panahon sa mga crush2x na yan. Sabihin niyo ng abnormal ako dahil hindi pa ako nagkacrush! >.////< Pero syempre hindi ko pinapahalata. Hindi kasi ako ganoong klaseng tao. Ang saya pala ng feeling pag may crush! Inspired ka parati. Ngunit hindi pala puro saya ang dulot kapag nagkacrush ka sa isang tao may lungkot at sakit din pala.
February noong nalaman kong may sasalihan siyang contest sa isang mall ditto sa amin. Friendly siya at hindi suplado kaya maraming babae ang nagkakaroon ng crush sa kanya ngunit hindi ko pa nababalitaan na may crush siya o girlfriend na. Sa contest na kanyang sinalihan ay may kaparehas siyang babae at ang ganda pa niya. Hindi ko sinasabing hindi ako maganda. Mas lamang lang siya sa akin ng ilang paligo. May ipagmamalaki rin naman ako. Pero noong nag-iinsayo pa sila, ang saya nilang tignan. The way he looks in her eyes. The way he smiles whenever he sees her, parang ang sakit. Teka? Ano na ba tong nararamdaman ko? Bakit ko yun nakita? Hindi ako stalker noh! Sadyang napadaan lang ako doon dahil may pinabili si Mama sa akin nun.
Malapit ng mag graduation practice noong nakita ko siyang kasama yung babaeng kapartner siya sa contest. Schoolmate pala namin siya ngayon ko lang nalaman. Madalas silang mag-usap at ang saya-saya nilang tignan. Parang mag gf/bf nga sila eh. Minsan parang nagseselos ako sa kanila. Yung feeling na nasasaktan ka kahit hindi naman naging kayo. Hahaha! Parang ang tanga ko lang! xD I should stop this nonsense!
5 months later.
August na ngayon. Next month birthday ko na. First year college na ako. And I'm taking Civil Engineering. Habang naglalakad ako patungo sa next subject ko eh nakita ko si Fia.
"Hi Fia!" Bati ko sa kanya. "Kumusta ka na? Long time no see :D!"
"Ok lang ako. Anong long time no see? Nagkita kaya tayo last week! haha! " tumatawa siya noong may nakita ako.
napangiti ako bigla."Fia, naniniwala na ako sa Fall-out of crush!"
"Ha? Pa'no naman?" binigyan ako ni Fia ng kwento-ka-naman-diyan-look.
"Long Story. Tsk! Sige na nga ikwekwento ko na."
"Last year, mga December noon nang magkacrush ako sa kaklase ko. Grabeh! Ang gwapo niya, mabait at hindi suplado. Days passed by at may mga weird feeling akong nararamdaman. Noong February may cotest siyang sinalihan at ang ganda ng nakapartner niya. Hindi ko inaasahan na yung nakapartner niyang girl eh schoolmate pala naming. Kaya ayun! Simula noon eh parati na silang nag-uusap at ang saya-saya nilang tignan. Nagselos ako nun. Ngunit, nitong mga nakaraang buwan, kapag nakikita ko sila eh hindi na ako nagseselos. Natatawa nga ako sa sarili ko dahil parang ang ewan ko noon. Kapag nandiyan siya sa malapit hindi na ako kinikilig at hindi na ako napapangiti. Nafall-out of crush ako. " -kwento ko sa kanya. Nakinig naman ng mabuti si Fia.
"Wala akong masabi Te! haha! Nafall-out of crush ka nga!!"- natatawang sabi ni Fia at nakita ko nanaman siya.
"OO eh! Akala ko noon nung tinanong mo ako hindi yun nageexist. Nageexist pala yun. Kahit na nasaktan ako noon...naging Masaya naman ako ngayon. Crush fades." lumapit siya sa amin ni Fia. Nabigla ako.
"Fia, si Jin pala ^___^!"
T H E E N D
BINABASA MO ANG
Fall-Out of Crush
RandomIs it possible to fall-out of crush? May ganun ba? Alam kong may fall-out of love pero fall-out of crush? Ewan ko na lang....