Reign POV
Kasalukuyan kong binibihisan ngayon si Chloe. Ngayon kasi ang araw ng pamamasyal namin. Maaga nya akong ginising at sa akin din sumabay sa paliligo. Hindi ko alam pero natutuwa ako sa kanya. Para na talaga kaming mag ina nito. Masaya naman din akong alagaan sya.
"Mommy, you should wear dress like this." Biglang sabi nya habang isinusuot ko sa kanya yung blue dress nya.
"Sorry baby. I don't have a dress like that baby. Maybe I could wear the same color like yours." Natatawang sabi ko sa kanya.
Ang cute talaga ng batang to. Gusto pa talaga nya na parehas kami ng damit kaso wala naman akong ganun. Maybe next I will buy a dress na parehas kami. Ang cute siguro naming tignan nun. Hahaha.
"Wait mommy, I have another dress like this." Sabi nya sabay dali dali bumaba sa inuupuan nya.
"Oops. Be careful baby." Natatawang sabi ko. Muntikan na kasi syang malalag kakamadali nya.
Napailing na lang ako ng makitang dali dali syang tumakbo sa closet nya para kunin yung dress na sinasabi nya.
Para namang kakasya yun sa akin eh no. Hahaha.
"Here mommy!" Sabi nya ng makabalik sa akin sabay abot ng kanyang hawak.
"Who owned this dress baby?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Hindi iyon kasing laki ng suot nya at sa tingin ko pa nga ay magffit ito sa akin.
"It's for you mommy. Wear it na mommy, please!" Sagot nya lang sa akin.
"Okay!" Sagot ko na lang kahit nagtataka pa ako saka nagpalit ng damit.
"Perfect! Hihihi." Masayang sabi nya ng maisuot ko ang dress saka tumabi sa akin.
Natatawa na lang ako sa kanya. Hindi alam kung ano magiging reaksyon ni AJ kapag nakita nya ang kalokohan ng anak nya.Lumabas na din kami ng kwarto para kumain bago kami umalis. Tapos na din naman sigurong magprepare ng pagkain si AJ. Sya kasi nagprisintang magluto ng breakfast kanina.
"Goodmorning daddy!" Patakbong sabi ni Chloe kay AJ at masaya naman syang sinalubong nito.
"Goodmorning too baby." Bati nito sa bata bago hinalikan sa pisngi.
"Ang ganda naman ng baby ko." Dagdag pa nito habang karga nya ito.
"Yes daddy. I'm beautiful like mommy. Look at us daddy. We have the same dress." Masayang sagot naman ni Chloe kaya napatingin din sa akin si AJ.
Bigla naman akong nag iwas ng tingin. Nailang kasi ako sa pagtitig nya sa akin.
"Ahh. Yes baby." Narinig kong sabi nya.
"Daddy. Please give mommy, goodmorning kiss too." Gulat naman akong napatingin sa kanila ng sabihin ni Chloe yun.
Nakita ko naman nakatingin sa akin si AJ na hindi din alam ang gagawin.
BINABASA MO ANG
I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'
RomancePaano kung natagpuan mo na ang taong magbibigay muli ng kulay sa buhay mo? Magagawa mo bang sumugal muli sa pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa taong mahal mo? Paano kung sa isang iglap ay mawala ang taong nagpapasaya sa iyo? Maghih...