ika-labing limang kabanata

188 11 2
                                    

 Just be friends

-----------------------

Ang Butas madaling patsihan ng bagong tela o madaling lagayan ng bagong palitada para matakpan ang naging butas. Pwede ding pinturahan pa, pero naroon parin ang marka ng butas. Kaya mas mabuti pang gibain na lamang ang pader na may butas at palitan ng bago.

------------------------

Ika-labing limang kabanata
-Just be friends
Pagsuko

Wendyl's PoV

Bakit? Bakit ang sakit ng pakiramdam ko? Bakit napapagod na ako. Sobra na ba talaga ang sakit na naramdaman ko mula sa kanya?

Naglalakad-- hindi, tumatakbo ako palapit sa kanya. Nakita ko syang napabagsak noong lalaki na nakablue. Malaki sya at mukhang sanay sa labanan. Sinipa ko ito dahil sa inis ko sa babaeng tinatapakan nya kanina. Halos magdilim ang paningin ko ng makita ko nanaman syang nasasaktan. Nagawa ko syang ipagtanggol pero parang wala lang sa kanya ang ginagawa ko para sa kanya at pinagtatabuyan pa nya ako.

Nasa isang building kami ngayon. Mayaman nga talaga sila at ang hindi ko maintindihan, bakit maraming mga sanggano dito. Isa kaya itong masamang negosyo?

"Papa, tama na po. Hindi na ako aalis pa. Noong gusto kong magtrabaho dito pero noon po iyon. Isa pa bakit hindi na lang si Kuya ang gumawa ng lahat ngito?" Hinanap ko ang boses at nakita ko sya na nahihirapan nanaman sa kamay ng isang lalaki.

Sinubukan kong kumawala pero nakatali ako sa isang upuan at walang ibang magawa kundi tinggnan si Ro.

"Ano ba siya sa iyo?" harapang tanong noong matandang lalaki na nakalaban ko kanina. Tumingin ako kay Ro at nakita ko kung paano sumeryoso ang mukha nya.

"Kaklase ko lang sya. Kaya kung pwede pakawalan mo na sya." Kalmado ang mga binatawan nyang salita. Seryoso sya at alam kong totoo ang bawat sinabi nya.

"Kaklase, Ka-Klase lang pala ako sa iyo Ro. Ha. Ha." Nanghihina ako sa mga narinig ko. Hindi ko akalaing lahat ng hirap na ginawa ko, lahat ng bagay na sinakrepisyo ko, para lang pala sa pagiging kaklase nya. "Pero minahal kita!" sigaw ko sa kanya. Bumaling lang sya sa kanan at hindi ako tiningnan. Naiiyak ako. Para akong bakla dito pero hanggang dito naman tama lang na magpanggap ako hindi ba? Para na ito sa reputasyon ko, sa dangal ko.

"Pasensya na pero kaibigan lang kita."  noon din ay pinakawalan nila ako pero hindi ko nagawang makuntento.

Hinikit ko si Ro at tumakbo kami palabas. Sa kasamaang palad may mga bantay doon kaya itinago ko kami sa isang silid. Dito yata nakatago ang mga pipes and pump nila ng tubig. May mga tubo e.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha Cañezares?" Napangiwi ako sa narinig kong pagtawag nya sa akin.

"Huh, parang walang pinagsamahan ah. Bakit ka ganyan Ro. Ganyan na ba naging bato ang puso mo. Yung tipong butasan ko man, gigibain mo lang at lalagyan ng bagong harang?" Napayuko ako at naupo na nakasandal sa pader sa likod ko. "Mahirap pala na umasa sa iyo. Napapagod na ako Ro." Lumingon ako sa kanan para makita sya at nakatayo pa rin sya doon at hindi ko inaasahan ang nakita ko.

Mga luhang patuloy sa pagpatak. Nakahawak ang kaliwa nyang kamay sa kanang siko nya at patuloy lang sa pag-iyak. Tumayo ako kahit hinang hina na ako. Hinawak ko ang mga braso nya at nakayuko lang syang tumingin sa kanan para iwasan ang tingin ko.

"A-Ano ba talaga ako sa iyo Ro?" umiiyak na rin ako pero ang sakit lang talaga ng hindi sya magsalita e. "Ro naman e, magsalita ka naman oh. Ang hirap ng ganito." Patuloy lang sya sa paghikbi at binitawan ko na sya.

Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon