READ, VOTE, COMMENT and BE A FAN! thanks! hope yah enjoy! ^___^
*FLASHBACK*
Ako nga pala si Sushmica Sanchez, 4th year student, ang rank 1 sa klase namin ng 1st quarter. Sabi nila, nasa akin na raw lahat. maganda, matalino, mayaman at mabait. Pati pagiging popular, nasa akin na rin. Pero wala akong lovelife. Wala pa kasi akong manliligaw eh. Puro aral lang daw kasi ginagawa ko eh.
But one day, nagulat ako nang may magtanong kung pwede akong ligawan, at ikaw yon Joshua Brionne Cruise, ang aming Supreme Student Government President. Nagtaka naman ako kung bakit gusto mo akong ligawan samantalang may girlfriend ka, si Apple Dela Rosa, ang karibal ko sa pagiging rank 1. Sagot mo, "break na kami". So, pinayagan naman kitang ligawan ako. Ikaw kasi ang unang manliligaw ko at gusto ko namang maka-experience ng magkaroon kahit isa.
After 2 months mo ng panliligaw, sinagot na kita. Wala na akong magagawa eh. Na-inlove na ako. Araw- araw mo kasi akong kinukulit, sinusundan, tinatawagan, tinetexan at sabi mo pa, araw-araw mo akong iniisip at minamahal.
Magsimula nung araw na anging tayo, hawak ko na lagi ang phone ko na dapat ay mga libro sana dahil1 week na lang bago ang exam. Nalaman na ng buong campus ang relasyon natin, pero di alam mg parents ko. Syempre, lagi silang busy kaya di na nila ang mga nangyayari sa akin.
Dumating ang exam. Ano pa bang inaasahan ko? Mabababa ang mga scores ko. Sobrang nagtaka ang mga students lalo na ang mga teachers. Ni stock- knowledge, di ko raw nagamit. Eh kasi naman, ikaw lang ang ka-stock sa isip ko eh.
Sabi pa ng mga teachers, ang laki daw ng pinagbago ko simula nung naging tayo. Oo, malaki nga. Di ko na nagagawa ang mga homework, research works, investigatory projects, at di na rin ako sumasali sa mga activities and contests. Yun na yun eh! Ang lakas kasi ng tama ko sayo.
2 weeks after ng exam, sinabi na ang top 5 sa klase. 1st si Apple at ako, WALA. Tuwang tuwa siya dahil nasa kanya na ang 1st place. Marami paring nagtaka tulad ng dati. Puro "anong nangyari?" at "bakit ganun?" ang mga tanong nila sa akin. Pero isa alng ang sagot ko, "di bale ng mawala ang pwesto ko, wag lang si JB." Oh, ganun kita kamahal. Kaya kong i-sacrifice at i-give up lahat para lang sayo.
Day before ng 1st monthsary natin, umuwi ang parents ko galing Paris. May bahay kasi kami dun. Meron din yung Toy Barn dun. Niyaya ako nila mom na tumira a mag-aral nalang din sa Paris. Kahit matagal ko ng pangarap ang tumira sa Paris, di ako pumayag dahil di kita kayang iwan.
Heto 1st monthsary na natin, nagyaya kang mag-bar. Sumama naman ako. Uminom ako ng napakarami para makalimutan ko lahat ng mga problema ko sa school. Marami ka rin nainom. We got drunk. Nag-stay ako sa bahay mo. Then...
May nangyari...
I lost my virginity..
Pero sabi mo, di ko kailangang mag-alala. Sabi mo pa, womanizer ka kaya lagi kang may proteksyon. Loko ka talaga.
-----------------------------------------------------------------
3 weeks ka ng di nagpapakita sa akin magsimula nung may nangyari sa atin. Nag-aalala naman ako. Hinahanap kasi kita everyday sa schoolkaso ni anino mo, di ko makita. Di ko nga alam ang dahilan kung bakit di ka nagpapakita eh. So, nagtext ako sayo kung. Tinannong ko kung bakit di ka nagpapakita sa akin. At ang sabi mo, busy kayo sa SSG dahil malapit na ang School Festival. Ok lang yun para sa akin, basta magkasama tayo sa 2nd monthsary natin.
December 4 na. 2 days na lang, 2nd monthsary na natin pero napansin ko na sobrang busy pa rin kayo. Nagtext ulit ako sayo. I asked if you're still busy hanggan sa araw ng 2nd monthsary natin. After 5 hours, saka ka lang nagreply. Then sabi mo. "Yeah. We're still busy till 8. Sorry." Ouch sa akin yun kasi di tayo magkakasama. Isa pa, miss na miss na kita. Feel ko tuloy mas inuuna mo yung SSG kaysa sa akin. Pero ok lang. I understand. Mahihirapan din naman ako kapag ako ang nasa situation mo eh.
BINABASA MO ANG
SANA...
Romancepinaibig ng isang guy ang isang matalinong babae. ginawa ito ng guy para maibagsak sa pwesto si girl DAHIL ang totoong girlfriend ni guy ay ang karibal ni girl sa pagiging rank 1. hahaha:D gets niyo? i-gets niyo na lang! LOL. happy ending kaya si gi...