Wattpad Poet - By LacusRain

551 9 6
                                    

“ARAL NG BUHAY”

Intro:

Sa buhay kng ito kahit papaano ay marami na rin akong pinagdaanan. Mga pangyayaring nagpaiyak at nagpangiti sa akin sa nakaraan. At mga alaalang tumatak sa aking isipan. Kaya sana sa aking kuwento kayo ay masiyahan.

Tula:

Sa aking paglaki naransan ko na yata ang lahat

Umiyak, tumawa, masaktan, mapahiya, itanggi, magmahal, umasa at magpatawad, name it I did it

Nalaman ko din na sa buhay hindi lahat ay maari mong ipilit

At na hindi lahat ng tao ay mahahanapan mo ng kapalit

Sa buhay ko nalaman ko din na sa bawat kuwento o away laging may dalawang side ang bawat tao

At na hindi sa bawat pagkadapa kailangan mo ng prinsipeng magtatayo sayo

Minsan kailangan mo lang tumayo mag-isa at lumaban mag-isa

Dahil walang taong magmamahal sayo kung hindi mo kayang mahalin ang sarili mo

Akala ko noong bata ako ang buhay ay puno ng saya at na ang pagtanda ay kaakibat ng ligaya

Pero sa aking paglaki natutunan ko na kasabay ng pagtanda ay ang pagtanggap sa napakaraming mga responsibilidad at expectation ng ibang tao.

At na sa huli maaaring gustuhin ko na lang na bumalik sa pagkabata kung saan wala akong ibang iniisip kung hindi ang matulog at maglaro

Pero sa huli nito natuto din ako ng mga leksyon sa buhay na magpapatibay sa akin habang buhay

Hindi ko pa man nararating ang dulo ng buhay ko pero isa lang ang napatunayan ko sa mga pinagdaanan ko

Minsan may mga tao talagang makakapagpaiyak sayo dahil nasaktan ka nila o minsan dahil na-touch ka sa ginawa nila

Minsan din aasa ka sa wala at mawawalan ng tiwala sa sarili mo

Pero isa lang ang isipin lahat ng bagay at problemang pinagdadaanan mo

Lahat ng ito ay may dahilan na Diyos lang ang nakakaalam at sa huli para din ito sa kabutihan mo

Wattpad Poet 2014 Round 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon