Torete

128 2 0
                                    

"ayun ulit siya" kinikilig kong pagkasabi sa kaibigan ko.

"sino?" tanong niya. 

"basta. tara na. pasok na tayo"

pagkapasok namin sa school eh, nakita ko agad siya. nakaupo sa isang bench sa school namin.  di ko alam bakit naging crush ko siya. di ko talaga alam. 

"seryosong crush ba yan?" tanong ng kaibigan kong si Lyra.

"huh?" sagot ko 

"Brad, tinititigan ka oh. uuuuy" 

ayoko lumingon. ayoko mahuli. ayoko .. ayo.. ayun lumingon nga ako at naalala ko malabo pala mata ko. ang alam ko lang na siya yun.  bakit ba kasi ako lumingon, tanga ko rin eh pero nakakakilig talaga . masaya talaga pag may crush ka, lakas maka-highschool eh.kaso ang alam ko may mga kasama siyang girls. sa point kasi na yun takot akong mahulog ulit. tama na yung crush lang, hanggang crush lang. mahirap na baka masaktan nanaman ako eh. nakakakilig na yung simpleng ganito lang. 

"uuuuy" pabirong sabi ng mga kaibigan ko.

"tumigil" sagot ko at dumiretso na kami sa building namin. pang-gabi kasi kami kaya parang andaming ganap at hindi ko na kailangan maghintay para masulyapan yung aking crush. kasi pang-umaga naman siya eh, higher year na kasi . eh kami 2nd year palang noon. pano ko nga ba siya naging crush? alam yung 'something'?may something sakanya na di ko ma-explain.

ToreteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon