•Thank you

1.2K 43 28
                                    

Kung panaginip lang ang lahat, sana hindi nalang ako gumising.
Dahil kung hindi ko idinilat ang mga mata ko siguro ay hindi ko maaabutan na wala na si Bryon sa tabi ko.
Pinilit ko namang wag agad makatulog dahil gusto ko syang makausap pero hindi ko talaga mapigilan ng antok, ang sarap matulog pag may matigas na abs sa likuran at may nakayakap sakin.

Nag karoon ako ng pag kakataon na makasama sya sa pagtulog, dahil noong una palang ay kay Zac o kay Jaythan nya na ako pinapalipas ng gabi.

Pumunta lang sya dito para mag pahinga, ni hindi man lang tuloy kami nag karoon ng pag kakataong mag usap.
Kung ganun lang din sana ang nangyari ay hindi nalang sana sya pumunta ng gabi.
Sana ay tanghali o kaya naman hapon para makapag kwentuhan pa kami.

Hindi ko manlang naasikaso ang sugat nga sa labi na mukhang hindi naman dahil sa bintana kaya dumugo.
Tumayo na ako sa kama at nag unat.

Ganun talaga. Para syang pusa, pasulpot sulpot lang.

Nag ayos na ako ng aking sarili, papasok nanaman kami ng school kahit na parang attendance lang naman nagagamit ang ballpen ko dahil walang ibang ginawa ang professor kundi mag salita ng mag salita at ni isa sa mag kakapatid ay walang nag tatanong.

Lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso sa dining hall, at gaya ng inaasahan nandun na sila pati na si Zac na mukhang masakit pa ang ulo maliban kay Vicku.
Tumabi ako sa kanya saka ko sya tinanong.

"Anong oras ka nakauwi kagabi?"

Tanong ko sa kanya na sapo sapo po ang kanyang noo.
Mukhang may hang over sya, hindi na ako magugulat.
Tumingin sya ng blanko sakin saka sumagot.

"It's none of your business."

Sabi nya lang sakin saka uminon ng tubig.
Huling dumating si Vicku na nakangiti kaming sinalubong at binati.

"Goodmorning."

Sabi nya.

"Goodmorning."

Bati ko pabalik sa kanya.

"Goodmorning kuya~"

Bati naman ni Jaythan sa kanya habang katabi si Galen na nasa harapan ko.
Naupo si Vicku sa tabi ko si Daemon naman ay nakaupo sa nag iisang pwesto sa harapan ng mahabang mesa.

Nag umpisa na kaming kumain, at sa bawat nguya ko ay napapangiwi ako dahil sa panghihinayang kagabi.
Bakit kasi napaka alanganin talaga ng bisita ni Bryon?
Nakakainis talaga.

"May problema ba?"

Tanong sakin ni Vicku.
Napatingin naman ako sa kanila at nakatingin pala sila lahat pabalik sa akin.

"W-wala, napuyat lang ako. Mainit kasi sa kwarto kagabi."

Palusot ko nalang sa kanila.
Tumango naman si Vicku at mukhang naniwala sila sa sinabi ko.

Habang kumakain kami ay biglang napatawag si Aling perla at agad pumasok sa dining hall dala ang isang balita.

"Mga Sir, goodmorning po."

Bati nya sa mag kakapatid saka sya kumaway sakin. Ngumiti lang ako kay aling perla.

"Yung mga security guards po kasi, may nakita daw po na bag na may mga lamang electronic tools sa garden, wala naman pong umangkin. Baka daw po gusto nyong makita."

Sabi nya.
Napatayo kaming lahat at mag kakasamang pumunta doon sa garden para tignan kung ano ang tinutukoy ni Aling perla.
At totoo nga, isang sling bag at may laman itong mga pliers, wires, at kung ano ano pang pwedeng gamitin para sirain ang system sa mansion.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon