THIRTEEN: Love of Your/My Life

503 23 18
                                    

Parkinson's POV

A week before.

Nakaupo ako ngayon sa student council office, finafinalize ko ang budget ng mga clubs. Napakademanding ng baseball club. Akala mo naman kung sinong magagaling. Idissolve ko na kaya yung club nila? Nah. Masyadong matrabaho. Madadagdagan nanaman ang mga rebelde. 

"Hoy Bro!" Bumukas ang pinto ng office at nandun Jorge at Ken na may mga dalang coffee at papel.

"Yo!" Bati ko sakanila sabay balik ulit sa pagtytype.

"Mukhang busy ah." Sabi ni Ken habang inaabutan ako ng kape. Ininom ko yung kape. Hmmmm. Chesnut.

"Yeah. Lintik na baseball club eh."

"Idissolve mo na kasi bro." Suggestion ni Jorge habang winiwiggle yung eyebrows niya.

"Di pwede. Ayoko nang madagdagan ang kakampi ni Ms. Manchester." Sagot ko.

"Ooooh. Ms. Manchester. Pres mode! Officer na officer!" Asar ni Ken at naghigh five silang dalawa ni Jorge. Alangya tong dalawa na to.

"Tss. Tahimik busy ako." Bilin ko sakanila at tinitigan ko sila ng pure evilness.

"Opo pres opo." Sabi nilang dalawa ng sabay taas ng kamay.

"Good."

Tumuloy na ulit ako sa pagtytype ng budget report, kinokonsider ko na talaga na idissolve ang baseball club, sakit sila sa ulo eh. 

"Ay nga pala bat kayo nandito?" Tanong ko sakanila.

"Sa wakas tinanong mo! Itabi mo muna yang Pres mode mo! Importante ito! Tungkol ito sa love of your life mo!" Pagkaexage ni Ken habang nakaluhod at kinakamot ang ulo. Sumabay naman si Jorge na naglabas ng panyo sabay punas ng imaginary na luha.

"Seryoso kayo guys? Love of my life?" Tanong ko sakanila.

"Bakit di nga ba? Bro, alam naman nating patay na patay ka sa love of your life mo na kahit na kaaway mo siya eh labs na labs mo siya." Sabi ni Ken habang nakatayo sa upuan na nagspespeech with feelings habang si Jorge naman ay nakanta ng You and me.

"Oo na. Oo na. Ako na ang patay na patay. Masaya na kayo? Bro tigilan mo na yang pagkanta mo, itataboy na kita bilang kapatid pag pinapatuloy mo yan." Sabi ko at agad agad na tumigil si Jorge, nilapitan niya ako at niyakap.

"BROOOOO! WAG MO AKONG ITABOY! MAHAL NA MAHAL KITAAA! DI KO KAYA TOOO!" Sigaw ni Jorge habang naghahalumpasay sa sahig.

"Joke lang yun." Sabi ko sakanya, desperado na pakalmahin siya.

"Hoy Dan! Sadista ka ba?" Tanong sakin ni Ken tinignan ko si Jorge na nagnonod at nag 'oo nga'

"Ano bang meron sa inyo guys? Bakit puro kayo tanong? Nasan na yung tungkol sa love of my life ko?" Tanong ko sakanila habang nag dradrawing ng quote signs habang sinasabi yung love of my life.

"Yeah oh! Love of my life! YIEEEEEE~" Asar ni Jorge.

"HUY! AYOS NA! Anyways bro tungkol nga to sa love of your life mo." Sabi ni Jorge at turn naman ni Ken na kumanta, kumanta siya ng Love of my life.

"Guys, tigilan niyo nga yang pagkanta niyo, oh so anong meron kay Julia?" Tanong ko sakanila. 

"OMOGODDD! SINABI NIYA NA YUNG PANGALAN NI JULIA! NARINIG MO BA YUN JORGE?" Sigaw ni Ken na agad namang sinamahan ni Jorge na oo nang oo at nag yakapan sila habang nagpupunas ng imaginary na luha.

"Jorge, Ken. Kung aasarin niyo lang ako ng aasarin eh lumayas na kayo sa office. Ano ba talagang pinunta niyo dito?" Tanong ko sakanila, naiirita na ako. Madami pa akong gagawin.

"Okay seryoso na. Bro, si Ms. Manchester, Nasa panganib siya." Bulong ni Jorge sakin.

Natigilan ako nang narinig ko ang sinabi niya.

X-

Please Julia, Please be okay.

"HOY DANIEL FORD! ANO BANG NANGYAYARI?" Tanong/sigaw sakin ni Jane na kaibigan ni Julia. Hinila siya ni Kara at sinabihang kumalma.

"Maraming nangyayari Ms. Oineza. And it involves Ms. Manchester and Sir Ledesco, Mageexplain kami pag nandito na si Ms. Manchester." Paliwanag ni Jorge. 

Naglakad lakad ng pabalik balik si Jane, Sinubukan siyang pakalmahin ni Kuya Chong at Kara pero hindi siya makakalma. Nakasandal lang ako sa pader, silently praying na sana ay maging ligtas si Julia.

Kung alam ko lang talaga ang totoong ugali ng Ledesco na yun. 

"Fuck." Bulong ko sa sarili ko. Nilapitan ako ni Kuya Chong at tinabihan niya ako.

"Okay ka lang ba baby boy?" Tanong sakin ni Kuya Chong

"Kuya Chong. Di ko alam ang gagawin ko, Ako ang dahilan kung bakit ganito ang sitwasyon." 

"Alam mo baby boy, parehas kayo, parehas niyong di alam ang gagawin." Sabi niya sakin habang nakangiti.

"Kuya Chong, muntik muntikan na siyang makidnap kanina lang." Sabi ko sakanya.

"Alam ko. Baby boy, kung hindi mo talaga alam ang gagawin eh di sana natangay na ni sir Ledesco si Baby girl." Pagcomfort sakin ni Kuya Chong.

"Thank you Kuya." 

"Sus, wala yun. Basta galingan mo ulit sa Deadman para kasapa ka ulit sa Ultimate team." Sabi ni Kuya Chong at agad na nagliwanag yung mata niya nang lumabas sa bibig niya ang salitang Deadman.

"Kuya, end of the year pa ang Deadman." Paalala ko sakanya.

"Alam ko, pero excited na talaga ako!" 

Napatawa nalang ako sa inaasal ni Kuya Chong, kahit na ganito ang sitwasyon eh nakukuha niya pang ngumiti at tumawa. Di talaga mali na binansagan siyang 'Pure Heart'

Bumukas ang pinto at nakita namin si Julia na hinihingal, agad siyang nilapitan nila Jane at Kara para yakapin.

"JULSSSS! OMAYGAAAD! OKAY KA LANG? MAY MASAKIT BA?" Tanong/Sigaw ni Jane. Umiiyak na silang dalawa ni Kara. 

"Guys, seriously. Okay lang ako." Sagot ni Julia. Niyakap niya yung dalawa at after some time eh pinakawalan din siya ng dalawa.

Lumapit si Julia kay Kuya Chong at niyakap niya to. Niyakap din siya ni Kuya Chong at umiyak si Julia.

"Baby Girl, tahan na. Kausapin mo si Daniel, ikwekwento niya sayo ang lahat." Bilin ni Kuya Chong at agad na lumapit sakin si Julia.

Nang lumapit sakin si Julia, niyakap ko siya at umiyak na din ako.

"I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry." Paulit ulit kong sabi sakanya.

"Guys. Bigyan natin sila ng space, iwan muna natin sila." Sabi ni Kuya Chong at umalis na silang lahat.

____________________________________________

Woooh pabitin! Nakakatol po kasi ako XD 

edit: dat sudden realization na wala parin palang naresolve. lol mag uupdate po ako agad XD

Mr. President's EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon