Ako si Mela..
16 years old..
4th year highschool..
Maganda..
Matalino..
Friendly..
May gusto akong lalaki..
I mean..
May mahal ako..
Si Ken..
Classmate ko..
Ang genius ng school namin..
Oo..
Genius.. As in..
Lahat ng tanungin sa kanya..
Masasagot niya..
Kaso hindi kami close..
Palagi kasi siyang nag-aaral..
Hindi ko nga masabayan ang katalinuhan niya..
To the highest level ang talino niya..
Gwapo siya..
Marami nga ang nagkakagusto sa kanya..
At ako ang pinakaswerte sa kanila..
Ako kasi ang makakasama ni Ken sa gaganaping quiz bee..
Kalaban namin ang ibang school..
"Hoy!"may pumitik sa noo ko..
"Aray." sabi ko habang hawak-hawak ang noo ko..
"Nakikinig ka ba?" nilingon ko ang nagsalita.. Si Ken.. Ay shocks!
Nasa library nga pala kami..
Naghahanda para sa quiz bee..
"Huh? Ahh.. Oo naman noh." sabi ko..
"Hindi naman ata eh. Lutang ang isip mo." sabi niya.. Humalukipkip pa..
"Nakikinig ako. Promise." tinaas ko pa ang kanang kamay ko..
"Sige nga. Explain mo nga yung mga sinabi ko kanina." hamon niya sa akin..
"Ha? Ahh.. Ehh.. Ano nga ulit yun?" nakangiwi kong tanong sa kanya.. Ano ka ba naman, Mela? Ipahiya daw ba ang sarili..
"Tingnan mo. Hindi ka nga nakikinig. Iniisip mo siguro ang crush mo." sabi niya.. Nagbuklat-bukat siya ng libro..
Napangiti na lang ako.. "Kung alam mo lang. Ikaw ang nasa isip ko." sabi ko sa isip ko..
"Mela, kung ganyan ka ng ganyan. Matatalo tayo. Mag-focus ka naman." tila naiinis na sabi niya..
"Sorry." na-guilty namang sabi ko.. Tama siya.. Kung hindi ako mag-fofocus.. Baka maging dahilan pa ako ng pagkatalo namin.. Mag-focus na ako..
Dapat kami ang manalo..
Ayokong mapahiya kay Ken..
Aral-aral, Mela.. Aral..
"Tara. Lunch na. Kain muna tayo." pukaw ni Ken sa atensyon ko..
"Huh? Anong oras na ba?" tanong ko sa kanya..
Hindi ko na pala namalayan ang oras..
"Past 1pm na." sabi niya, nakatingin sa relo niya..