Chapter 82

6.2K 131 10
                                    

CHAPTER EIGHTY TWO

Pumunta si Gian sa quarters. Binuksan niya ang nagtatanging pinto na pwede niyang pasukan.

Bumungad sa kanya ang walang taong bodega, nilibot niya ang buong building ngunit wala ni isa ang nandun.

Palabas na sana siya ng makita niya ang nasa isang blackboard. Lumapit siya dun at tinignan ang isang planner.

Tinignan niya ang isang papel na nakaguhit ang buong lugar ng quarters ng L Gang.

Napakunot ang noo neto, nang mapagtanto niya na susugod sila sa L Gang ay agad na kinuha ni Gian ang phone.

"Hello DA.." sabi nya habang papunta na sa kotse nya para ideretso sa quarters ng L Gang.

" Oh bakit napatawag ka?"

"Bro, magtutuos ngayon si EJ at Cosmo at dinakip ni Cosmo si Tita at Heather" sabi ni Gian sa cellphone.

"A-Ano?!! A-Asan ka ngayon?!"

"Papunta na ako sa quarters ng L Gang"

"Sige, papunta na ako diyan, tatawagan ko si Kim--"

"NO, don' t call her, baka mapapano pa siya kapag sumama siya" agad na pinatay ni Gian ang tawag at pinaharurot ang kotse niya kung saan magtutuos si Cosmo at EJ.





Samantala ay maingat na naglalakad si EJ sa eskenita ng L Gang.

Nakahiwalay si Seth at ang mga kasama niya sa kanya. Kita sa kanya ang galit dahil sa ginawa ni Cosmo.

Hindi niya kakayanin kapag nawala ang nanay niya at ang kapatid niya.

Biglang tumunog ang phone niya at nakita niya ang pangalan ni Gian.

Tila parang nanlambot si EJ dahil sa nakita. Naka-ilang segundo ang ring pero pinatay niya yun kaagad.

Naka-ilang messages narin ang tatay niya sa kanya pati si DA. Pinatay niya yun at nilagay sa bulsa niya.

Unti unti siyang pumasok sa parking lot ng L Gang, nag-lakad siya sa madilim na parte neto.

Nag-lalakad lang ito ng makarinig sya ng isang sipol. Agad na napatingin si EJ sa kanan.

At nakita niya si Cosmo na nakangising nakatingin sa kanya habang nakapasok sa loob ng bulsa ang kamay.

"You came Kinter.." agad na nag-iba ang awra ni EJ dahil sa ka-demonyohan ni Almira.

"Where's my mother and my sister?" malamig na sabi ni EJ.

"Before that... may gusto lang akong ipaalala sayo" nanliit ang mata ni EJ dahil sa sinabi ni Cosmo.

"Remember this place?" binuka niya pa ang kamay nya bilang pagpapaalala ng lugar na kinatatayuan nila.

"Dito ko binaril si Almira remember..." naisara ni EJ ang kamao nya ng ipaalala ni Almira.

"Dito rin siya namatay..." nakangising sabi ni Cosmo na tila iniinsulto si EJ.

"Itikom mo ang bibig mo at ilabas mo na ang hinahanap ko" giit na sabi ni EJ kay Cosmo, napangiwi naman ito.

"Lumabas na kayo" sabi ni Cosmo, nagsilabasan ang mga tauhan ng L Gang at hawak hawak nila si Heather at ang mommy niya.

Nanlaki ang mata ni EJ ng makita nya si Andy na nakatingin sa kanya pati si Iris.

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon