Simula"Micha? Micha!?"
Tumatakbo ako kahit na ang dilim...
Madilim ang paligid, tila ba walang liwanag ang nais pumuslit kahit kaunti.
Nagpatuloy ako sa pagtakbo, malamig na hangin ang sumsalubong sakin..
Nagpatuloy ako, tubig alat ang aking naamoy.
Ang malamyos na dampi ng malamig na hangin mula sa sa daang aking tinatahak ang nagpapagaan sa aking pakiramdam.
Nagpatuloy ako hanggang sa makakita ako ng kaunting liwanag na unti-unting lumiliwanag at sumisilaw sakin..
Nagpatuloy ako hanggang sa lamunin ng liwanag ang buong kadiliman.
Napatakip ako sa aking mata ng masilaw ako sa sobrang liwanag...
Unti-unti kong iminulat ang aking mata, bahagya akong nagulat ng mapunta ako sa deck ng aming private yatch.
Nakatanaw ako sa tanawin ng iniwan kong paraiso.
Everyone's Dream's Coast..
TheVedil Coast...
Umihip ng malakas ang hangin sa may dalampasigan na bahagyang humahampas sa aking buhok...
Kasabay ng malamig na hangin ay nanuot sa paligid ang amoy ng tubig alat at ang mala kristal na repleksyon ng tubig dagat.
"Its been years, Sapphire..." Napapalatak ako at nagulat ng makita ko si Ate Divine sa aking likod..
"A-Ate Divine!?" Di makapaniwalang tanong ko..
"Well, Hello my Dear... Sapphire." Sabay tulak niya sakin sa deck ng hindi ko namalayang.. Walang railings!?
"WAHHHHHHHH!!!" Sigaw ko ng tuluyan na akong malaglag sa yate.. Naramdaman ko ang malamig na tubig nang ako'y bumagsak..
Hindi ako makahinga..Tila may bumabara sa daluyan na hindi mabura..
Hindi ako makalangoy..
Patuloy akong naghihintay habang lumulubog.
Napapikit at madaming bula ang umaahon sa ibabaw.
Umaasang may sasagip sakin..
"Micha..." Huling nasambit hanggang sa muling nagdilim..
"WAHHHHHHH! HINDI PWEDE!!!! WAHHHHH! / SAPPHIRE!!!! BUMABA KA NA!!!!!" napabangon ako sa kama na tila binuhusan ng malamig na tubig pagkatapos sumigaw.
Punung-puno ng pawis at naghahabol ng hininga... At medyo blurred pa ang aking paningin dahil wala akong salamin.. My dreams seems surreal. Kinusut kusot ko ang aking mata..
Pakiramdam ko talaga para akong naligo..
Ng medyo luminaw linaw ang aking mata ay tiningnan ko ang sarili ko.. "Oh My God!" Napa-face palm ako sa aking nakita.. Basang-basa ako ng tubig! Parang naligo ako!
Kaya pala medyo blur ang mata ko, gawa ng tubig! At parang... Tubig alat!? Nakasuot din ako ng white dress. Kagaya nung nasa...
"SAPPH!?" Napapikit na lang ako ng mariin ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko..."Wui! Mali-late ka na bunso.. Halika na!" Yaya sakin ni Kuya Supper.. Pero, Teka!
Hindi niya napansin!?
Tiningnan kong muli ang sarili ko at... Basa talaga!"Wui! Tara na!" Yaya niya uli sakin..
Napakamot siya sa kanyang batok at kinuha ang aking eyeglass sa side table sabay bato sakin..
"Bilisan mo na.. Isuot mo na yan.."
Nang isuot ko ang salamin ay parang may biglang humila sakin kung saan..
"SAPPH!!" and everything's black.
BINABASA MO ANG
Behind My Eyeglass (Dream Series #1)
Fantasy"Darkness will end at the deceiving Brightness." -Sapphire Namuhay ako sa buhay na punung puno ng kulay, and yet yung lifestyle ko ay puno ng kadiliman.