CHAPTER 3

5.1K 121 1
                                    

"What?!ikakasal kami?!"ang panabay na wika nina carlo at beeya matapos silang papuntahin sa malaking library ng bahay nila.
Kaya pala madaming masasarap na pagkaing hinanda ang kanilang pamilya dahil bibitayin na pala silang dalawa ni carlo.Lahat ng kanilang kapatid na nasa labas ng bahay nila at nagkakasayahan pa rin doon ay wala rin nman palang alam sa totoong dahilan ng hapunan na iyon. Sila pala talaga ang dahilan niyon.wala lang man silang kamuwang muwang na bitay ang kasunod ng pinakain sa kanila kanina sa labas.Iyon na pala ang handa sa pamamanhikan ng pamilyan ni carlo sa kanya. Ginisa silang dalawa sa kanilang mga sweat sa katawan.
Naroon ang kanyang Inang si Franceska at amang si hilton.magkatabing naupo sa mahabang sofa.
Habang ang Ama ni carlo na si Gilbert ay nakatayo malapit sa bintana ng library.
Ang ina nman nitong si Elominada ay nasa katapat na upuan ng kanyang mga magulang. Silang dalawa ni carlo ay nakaupo sa pan-isahang sofa. Sya sa upuan nasa arm chair nman ito.
Napatingin ang lahat sa pintong kabubukas lang at magkasunod na pumasok ang kanilang mga abuelo at abuela. Pawang maaliwalas ang mga mukha ng apat na bagong dating.
"Kaya pala nagpahanda kayo ng masaganang salo salo dahil dito."isinatinig ni carlo.
"Bakit hindi? Iyon na lang nman ang kulang sa inyong dalawa."sabad ng ina ni beeya.
"Eh bakit ba kasi kelangan madaliin ang pagpapakasal nmin? Wala nman kaming ginagawa ni carlo ah! Di carlo?"baling nya sa  katabi.
"Oo nga nman! Kung ang pagsasama lang nman nmin ni beeya sa aming apartelle ang problema. Pwede naman naming gawan yun ng paraan."anito.
"Tumahimik ka carlo kung ayaw mong hambalusin kita ng aking sungkod!"narinig nilang wika ng abuelo ni carlo.
"Lola nman hahambalusin talaga?!"protesta nito.
"Baka na miss mo na ang patiwarik na bitin carlo sa sanga ng durian?!"muling wika ng matandang babae.
"Eh lola ganda, kawawa nman si carlo.kapag binitin mo patiwarik maya nyan mapagkamalan pa syang bunga ng durian nyan!"pagsali nya sa usapin ng maglola. Lihim nmang nagpapalitan ng mga tingin ang mga naroroon sa loob ng silid.
"Our decision is final. Next year magpapakasal na kayong dalawa. Dahil ngayon na narito na kayo pag-uusapan na nmin ang mga nararapat gawin sa kasal nyo."wiak ng ina ni carlo.
"Eh ninang ,di pa nga po kami umabot ng trenta pag-aasawahin nyo na agad kami ni carlo. Pwedeng hirit kapag thirty na lang kami magpapakasal-"sabi nya na di na sya hinayaan pa ng kanyang ina tapusin ang sasabihin.
"Dahil sa sinabi mong iyan beeya nararapat lang talaga na ipakasal na nga kayong dalawa sa ayaw nyo or gusto!"di na nakatiis pang wika ng ina ni beeya.
"Mamang naman!bakit pa kayo hard masyado sa amin ni carlo. Mabait nman kami ah diba carlo?"wika nya sabay siko sa katabi.
"I agree beeya. Masyado lang atang bitter ang mga matatandang iyan ay este mga magaganda at mapopoging mga magulang natin at mga lolo."wika ni carlo na medyo napangiwi dahil sa matalim na tingin na ibinigay ng mga ito sa kanila.
"Talagang ang hahaba na talaga ng mga sungay at buntot nyo anu?!well ito ang sasabihin ko sa inyong dalawa!"mataas ang boses na wika ng lola ni beeya.
"Kelangan bago matapos ang taon na ito mabibigyan nyo na kami ng apo sa tuhod!"pakaseryoso nitong wika.
"Anu?!"panabay na wika nilang dalawa. Nagkatinginan silang dalawa. Pawang nakaawang ang mga bibig at nanlalaki rin ang mga mata sa kanilang nadinig mula sa bibig ng istrikta nyang lola.
"Narinig nyo nman siguro ang sinabi ng lola nyo carlo beeya.kung anung binitiwan nitong salita ay sya nyong gagawin!"sabad ng ama ni carlo.
Sumang-ayun nman ang iba pang naroroon sa silid. Tanging ang dalawang lolo nila ay tahimik lang na nakaupo sa tabi ng mga lola nila.
Gustuhin man sanang pasaklolo ng dalawa sa mga ito ay wala ring silbi dahil hawak ito sa leeg ng dalawang matanda.
"Kapag di nyo kami nabigyan ng apo bago magtapos ang taon. Sa ayaw nyo at sa gusto titigil kayo pareho sa pagtatrabaho sa eroplano at dito na kayo titira sa probinsya. Take note di kayo pwedeng tumira sa aming bahay or kahit kaninong bahay. Kayong dalawa ang gagawa ng sarili nyong bahay. Walang may tutulong sa inyo. Magiging ordinaryo kayong magsasaka sa lupain nmin. Kapag di kayo magtatrabaho bilang isang ordinaryong trabahante panu kayo kakaing dalawa?"mahabang wika nman ng lola ni carlo.
Di lang ang panga nilang magkaibigan ang nalaglag pati rin ang panga ng kanilang mga lolo. Nagulat nman ang kanilang mga magulang sa kondisyon ng kanilang mga ina. Di nila akalaing gagawin ng dalawang babae ang mga iyon sa bunsong anak nila ni gilbert.
"Lola!thats harsh! I cant believe this?! Talagang gagawin nyo iyon sa amin ni beeya?"di makapaniwalang bulalas ni carlo.
"Take it or leave it apo. Kapag di nyo yan sinunod di na kayo makakatuntong sa alinmang pamamahay nmin. "Matigas na wika ng lola ni beeya.
Talagang nagsanib pwersa ang dalawang babae sa kanilang dalawa ni beeya. Gipitan blues ang mangyayari. Gosh! Parang gustong pagsisihan ng dalawa kung bakit napauwi pa sa kanilang probinsya bigla.
"Narinig nyo nman lahat ang aking sinabi at di na iyon mababago unless magkakaapo agad kami sa inyo."wika nito na napangiti pa ng tagumpay.
Nagkatinginan nman silang dalawa ni carlo. Para pa silang ninikawan ng sampong kaban. Walang paglagyan ang kanilang kalungkutan, alinlangan,balisa at higit sa lahat ang kimkim na sama ng loob sa mga mahal nila sa buhay.
"Lola baka pwede iba na lang kaya ang hilingin nyong kondisyon. Alam nyo nman na di kami sanay ni carlo magsaka ng bukirin. Talagang maaatim nyo kaming pahirapan at magdusa?"paawa epek na sabi ni beeya sa matatanda.ngunit tila wala lang man narinig ang matanda.
"Our decision is final.ang sinumang babali noon nakakatikim sa amin!"huling sanabi ng kanyang lola at nagpatinuna ng lumabas ng library.
Nagsunuran nman ang iba pang naroon. Tanging sila lamang ni carlo ang naiwan sa loob.
"Carly ,paanu na ito. Alam nman natin na di natin magagawa ang huling kondisyon diba. Maliban na lamang kung maaatim mong makipag um-um"wika nyang pabiro kahit gusto nyang mapabunghalit ng iyak at maglulupasay sa sahig.
"Gaga ka talagang bruha ka anu?! Kadiri ka nag-iisip na nakawin mo ang aking pagkabirhin?! No way!"histerikal na sabi ng baklitang katabi.
"Anung gagawin natin?"naguguluhang wika ni beeya.
"Sakanna natin isipin ang maaaring gawin sa bagay na iyon. Sa ngayon kelangan na natin ayusina ng ating mga gamit at lumuwas ng maynila as soon as possible!"wika nito saka sya hinila sa kamay para itayo at hinila sya palabas ng silid.

$PREGNANCY PLAN(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon