KACHAKAHAN 23

859 15 1
                                    

CHAPTER 23

Terrence POV

Di ko mapigilang matawa sa loob ng kwarto ko nang lumabas na si Yna, nakakatuwa kase ang reaksyon ng mukha nya nang nagulat sya sa dahil sa pagmulat ko.

Ang chaka nya talagang magulat. Mabuti at sa pagmulat ko kanina ay hindi ko sya nasuntok dahil pati ako ay nagulat din sa kanya.

Di ko namalayan na pinupunasan na nya pala ang katawan ko. tulog na tulog kase nang ginawa nya yun, kaya pala sa aking panaginip ay parang kay presko ng aking pakiramdam. Yung feeling ko ay gumagaan ang aking nadadamang init sa katawan ko.

Bumangon ako sa aking kama, medyo nahihilo pa ako pero hindi ako dapat magpatalo sa trangkaso kong to dahil madami akong trabaho na dapat asikasuhin. Kaninang umaga ay maag akong ginising si Daddy na kung pwede ay sya na muna ang pumalit sa akin sapagkat masama ang aking pakiramdam. Mabuti at pumayag sya, at sinabihan nya akong mag pahinga muna, baka gawa lang to ng stress sa trabaho at syang mabusisi kong pag imbistiga kung sino ang spoiler at traidor sa loob ng kompanya namin.

Minsan ko ng nahuli ang traidor na yun at aking naipakulong dahil sa Plagiarism, at ngayon ay nangyare na naman ang syang kinababahala ko, at sisiguraduhin kong tulad nang ginawa ko noon sa traidor na yun, ay ipapakulong ko na naman sya.

Dahil sa kagustuhan kong malaman ang tumatakbo sa kompanya ay tinawagan ko si daddy, kinuwento nya naman sa akin na everything's fine. Kinumusta ko din sya kung okay ba si Yna, I mean kong nagagawa ba ni Yna ang kanyang trabaho ng tama, o baka may kapalpakan na naman syang nagawa, pero saad ni daddy ay okay naman si Yna at masunurin daw, saka masipag pa. Hanga nga daw si daddy sa dedikasyon ni Yna sa kanyang trabaho, at naikwento nya din sa akin kung gaano nya hinahanggaan si Yna sa larangan ng pagsusulat. Ika nya ay parang nakikita nya ang sarili nya kay Yna na nagsusumikap sa pagsusulat kahit madaming nagsasabi na hindi sya kagandahan para ialagay sa author's list ang kanyang pangalan. After ng aming pag-uusap na dalawa ay si Clifford naman ang agad kong tinawagan. Tinanong ko sya about sa kanyang pag-iimbistiga sa HRd department. Pinahanap ko kase sa kanya lahat ng resume ng mga empleyado namin at isa-isang ni rereview ang kanilang background, baka kase may fake details sa mga iyun at lumusot na ang kalaban. Turan nya naman patuloy parin sya sa pag hahanap ng details, kapag may questionable daw sa isa man sa employee namin ay ipapatawag sya sa HR office for scanning or masinsinang interview. Then end of call.

Bumalik ako sa kama at umupo, nakita ko sa ibabaw ng table ko ang isang towel na syang ginamit ni Yna na pampunas sa aking katawan. Kinuha ko yun at tintigan baka kase kung may anong pinahid sya sa katawan ko na hindi ko alam.

"bakit kaya sa kabila ng lahat ay nanatili ka paring strong, kahit sigawan kita, asarin at pag diskitahan ay di ka natitinag?" pag ngiti ko.

Nilagay ko ang towel na yun sa timba na may laman ng tubig at saka pinasok sa banyo, then agad na ding bumalik ng aking kama para magpahinga.

Sa aking paghiga ay muling bumalik ang aking nakalipas mula nang bata pa ako. ang araw kung saan ay nasa bahay ampunan pa ako.

Sa bahay ampunan na yun ay doon ako lumaki, nagkaisip, at nangangarap na sana balang araw, magkaroon ako ng tunay kong pamilya, na may tatawagin akong ina at ama. sa loob ng bahay ampunan ay madami kaming bata na hindi na binalikan ng mga magulang, ang iba sa amin ay tinakwil ng magulang mula nang pinanganak sila, at ang iba naman ay galing sa trahedya na kung saan ay nagkahiwalay ang landas ng kanilang mga magulang. Nong nasa bahay ampunan pa ako ay palagi kong tinatanong sa mga madre kung sino ang tunay kong magulang, kung saan ba sila nakatira o buhay pa ba sila o patay na pero walang makakapagsabi sa akin. Ang isa lang sa aking natandaan na kwento nila ay nakita nila ako sa isang nasunog na hospital. Nasa damuhan ako at nakabalot ng lampin. Puno ang putik ang aking buong katawan nang nakita nila ako, at ito marahil ang pasa na ito na bumakat sa hita ko ang sanhi ng sunog na yun.

Mahirap Kapag Chaka (Under Revision)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang