"🎶Why can't it be? Why can't it be the two of us? Why can't we be lovers? Only friends. You came along at a wrong place, at a wrong time. Or was it me?🎶" Pumalakpak yung mga kaklase ko pagkatapos kong kumanta. Nandito ako sa harapan ng room dahil may activity kami na kakanta sa harap ng klase. Any songs naman kaya yan yung pinili kong kanta. Damang dama ko kasi yung kanta."Thank you Ms. Santos. You may take your seat." sabi ni Mrs. De Leon.
Naglakad na ako papunta sa likod. Nandun kase yung upuan ko. Napasulyap ako sakanya. Nakangiti siya sakin tapos nakathumbs up pa. Inikutan ko nalang siya ng mata.
Pagkaupong pagkaupo ko kinalabit agad ako ni Joyce. Napatingin ako sa kaliwa ko, dun kasi siya nakaupo. Katabi ko. Tinaasan ko siya kaliwang kilay.
"Cristina! Ikaw ha! Feel na feel mo yung kanta mo. Papikit pikit ka pa habang kumakanta. May pinaghuhugutan ka teh?" Tumaas baba pa yung kilay niya.
Sinamaan ko siya ng tingin "Makinig ka na nga lang sa mga kumakanta. Ang dami mong alam." Bulong ko. Tumingin na ako sa harap at nakinig na sa kumakanta. Baka mapagalitan pa kami ni Mrs. De Leon.
"Sabagay, alam ko namang may pinaghuhugutan ka nga. Hay buhay." Hindi ko na siya pinansin. Kapag kasi pinapansin mo siya, lalo siyang dumadaldal.
Paborito ko sa lahat ng kanta yung kinanta ko kanina. Lagi ko kasing tinatanong sa sarili ko kung bakit nga ba? Bakit nga ba hindi tayong dalawa? Bakit nga ba hindi tayo pwedeng dalawa? bakit hanggang magkaibigan lang tayo?
---------------
Dumating ang lunch break. Nag aayos ako ng gamit ko para makapunta na sa canteen.
"Cristina sabay na tayong kumain ah." sabi ni Joyce.
"K." Wala sa mood na sabi ko. Sa totoo lang wala ako sa mood kumain ngayon. Kung hindi lang talaga math yung susunod na subject pagkatapos ng lunch break baka hindi na ako kumain at umupo nalang habang nakikinig ng mga kanta. Terror din kasi prof namin dun. Kapag nakita ka niyang walang gana sa klase niya, mapapagalitan ka.
Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla ng may humawak sa kamay ko at bigla nalang akong hinila.
"Oy langya Joyce! Wag mo kong hilahin! Sasama naman ako sayo!" Saway ko kay Joyce. Napatigil naman siya sa paghila. Ang sakit ng braso ko. Grabe makahatak 'tong bruhilda na 'to.
"Sorry naman! Ayaw mo kase gumalaw sa kinatatayuan mo. Gutom na gutom na kaya ako" sabay pout pa niya. Ew! Di bagay.
Inukutan ko siya ng mata. "Patay gutom." bulong ko
Binigyan niya ako ng di makapaniwalang tingin. "Excuse me?" Nameywang pa siya. "Oy! di ako patay gutom. Hindi lang ako kumain kanina ng almusal!" May pagkairita sa boses niya.
"Okay. Okay whatever you say" Dumila pa ako bago mauna sakanya maglakad.
"Bruhilda ka talaga!" sabi pa niya bago siya naglakad papunta sa tabi ko. Tumawa nalang ako.
---------------
Pagkapasok namin sa canteen bumili agad kami ng pagkain. Fudgee bar lang yung binili ko kasi wala talaga akong sa mood kumain ngayon. Kumain naman ako ng almusal kaya makakasurvive naman ako sa klase ko.
Nakakita kami ng bakanteng lamesa sa may bandang gitna kaya dun kami umupo. Pagkaupong pagkaupo palang sinimulan na ni Joyce kainin yung pagkain niya. Tss, gutom nga.
"Huy! Dahan dahan nga baka masamid ka pa diyan!" Saway ko sa kaniya. Pano ba naman ang bilis bilis sumubo. Hindi naman siya aagawan ng pagkain. Para siyang hindi pinakain ng isang linggo.
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be?
Short Story"Why can't it be? Why can't it be the two of us? Why can't we be lovers? Only friends"