Lahat ng tao ay nakadarama ng matinding emosyon na pag-ibig. Sa pag-ibig nakapaloob na dito halos lahat ng emosyon tulad ng saya, lungkot, galit, takot at marami pang iba. May iba't-ibang uri ng pag-ibig tulad ng pag-ibig sa kapwa, magulang, kaibigan at higit sa lahat ay ang pag-ibig sa Diyos. Makakamit ang kaligayahan kung ang pag-ibig ay wagas at tunay, walang hinihinging kapalit at hindi naghahangad ng higit pa. Maraming epekto ang pag-ibig sa buhay ng tao, marami rito ay kaligayahan, magandang-buhay sa kabilang dako naman ay pagkabigo at paghihirap.
Sa relihiyon, partikular na sa mga tao ang pag-ibig ang Diyos dahil ito ang pinakadakilang biyaya op regalo ng Diyos sa tao, masasabi nating walang tao ang nabubuhay ng walang pag-ibig. Ang pag-ibig ay maraming kahulugan mula sa ilang bagay na nagbibigay ng kaunting ligaya. Maari na isang masidhing damdamin ng pagtingin ang kahulugan nito, isang emosyon o nasa estado ng emosyon. Sa pangkaraniwang pagbibigay ng kahulugan, madalas na tumutukoy ito sa interpersonal na pagmamahal. Sa kabuuan, malawak at malalim ang saklaw ng pag-ibig.
May mga bagay sa mundo na nakakaya lamang gawin dahil sa pag-ibig, nakakayang tiisin ang lahat para lang sa pag-ibig. Kung iisipin lahat ng sakripisyo'y nagagawa ng isang taong nagmamahal, ni hindi sasagi sa kanyang isipan kung makakabuti o makakasama ba ito sa kanya. Gayunpaman, marami pa ring taong nagtatangkang ipagkaloob ang lahat para sa kanilang itinatangi o minamahal, ibigay ang lahat at di magtitira para sa sarili, maging dahilan man ito ng paghihirap o pagtatamo ng kaligayahan. Anupa't patuloy parin nating ginagawa ang mga bagay na ito, upang sa huli't huli'y wala tayong pagsisisihan sa ating mga sarili.
BINABASA MO ANG
DEFINE Pag-ibig?
Short StoryLahat ng tao ay nakadarama ng matinding emosyon na pag-ibig. Copyright © 2017 Jolina B. Parangan All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, rec...