✖✖✖
"Despacitooo-~~~"
Konting konti na lang, mauubos na pasensiya ko. Konting konti na lang masasapak ko na tong nakakainis kong katabi. Konting konti na lang makakasala na ako. Konting konti na lang makakapatay na ako!
"Despacitooo~~ Jsmdiwjdmosoak----"
"ANO BA KUYA! KANINA KAPA KANTA NG KANTA DIYAN DI MO NAMAN ALAM YUNG LYRICS MALIBAN SA DESPACITO!"
Punong puno na ako. Kanina pato sa bahay eh. Halos masira na eardrums ko sa pakikinig sa walang kwenta niyang boses. Pinatawag kasi kami ni daddy kaninang umaga sa bahay kaya agad din kaming pumunta dahil sinundo kami. Kinausap niya lang kami about sa failed transaction namin. Di naman kami pinagalitan kasi di naman namin kasalanan na mapatay siya noh. Ano kami grim reapers na a week before alam na agad kung sino mamamatay?
"EPAL KA!" Sigaw niya pabalik sakin sabay batok.
Napahalukipkip na lang ako sabay pout. Nasa kotse kasi kami, family car kaya hindi kami yung nagmamaneho. Naiwan ko kotse ko sa school eh. Kung nadala ko lang sana edi sana wala akong panget na katabi.
After minutes of a boring ride ay hindi! Let me rephrase it. After minutes of an annoying ride nakarating narin kami sa wakas! Makakalayo na ako sa panget na boses ng kuya ko.
Pagkababa ko agad akong tumakbo. Alam ko kasing magpapasama payan sa classroom niya. Ganun yan kabakla -_-
Nakarating ako sa backgarden at nahingal na umupo sa isang bench dun. I opened my phone at naalala ko yung offer ni Baekhyun oppa. Niyaya niya akong lumabas. Is it a date? Eeeeehhhhhh kinikilig ako putspa!
Simula grade 3 ako crush ko na yun hanggang sa nag 2nd year highschool ako pero lumipat siya ng school eh kaya di ko na siya nakita, hanggang kahapon nakita ko nanaman ulit siya! Destiny naba this?
"Destiny? Pfft! Naniniwala ka dun?"
"Ay kuto!!!"
Muntik ko na matapon cellphone ko sa gulat! Ba't ba simula nang makilala ko to lagi na lang siya nanggugulat?!
"Di ako kuto, gwapo ako."
Sinamaan ko siya ng tingin at bumaling na ulit sa phone ko. Teka nga! Paano niya nalaman ang about sa destiny?! Nakakabasa ba siya ng utak?! O baka nasabi ko nanaman ng malakas yung nasa utak ko?
Bumaling ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. "Paano mo nalaman ang about sa destiny?"
"Bumubulong ka kaya. Sabi mo 'Destiny naba this?' tapos panay halik mo sa phone mo. Yak germs." Pang aasar pa niya.
"Teka nga sinusundan mo ba ako ha?"
"Ano?! Nauna kaya ako dito! Natutulog ako dun sa ilalim ng puno, nagising lang ako sa kakatili mo!"
Ganun? Tumitili ba ako? Di naman ah. I stood up from my seat at nagsimula nang maglakad. Iniwan ko siya dun sa garden at pumunta na lang ako sa dorm para makapagbihis na ng uniform.
___________
"Noona!! Sabihin mo na kasi!" Pangungulit niya habang niyuyugyog ako.
Nasa cafeteria kaming dalawa dahil malamang lunch na. At dahil wala daw siyang friends, sakin siya sumama.
"Ayoko nga sabi!"
Kanina kasi sabi niya makikitext lang daw siya kaya hiniram niya yung phone ko pero matapos niyang makitext deretso siya sa gallery ko at nakita niya ang mukha ng pinsan ko at pinipilit akong sabihin ang pangalan ng pinsan ko. I don't know kung anong nakita niya sa pinsan ko pero na love at first sight ata.
BINABASA MO ANG
Badgirl's Legacy || kth x kty [Completed]
Fanfic"Bat ba ang sungit mo Taeng? Mabait naman ako sayo eh." "Pinanganak akong masungit at mamamatay akong masungit Taehyung! Wala ka nang magagawa dun!" How can a good guy deals with a bad girl? . Im PinkyTammy presenting this story to you guys! . ENJOY...