Sa naghihintay pa rin...

66 57 6
                                    



Kasabay ng paglipas ng mga araw. Kasabay ng pagkalagas ng mga dahon sa puno. Kasabay ng pagtaas ng mga damo. Kasabay ng pagpatak ng bawat segundo...

Naghihintay ka pa rin na dumating siya sa buhay mo.

Ang tao na ipaparanas sa'yo ang mga kakornihan na sa pelikula mo lang nakikita.

Gusto mong maranasang maghabulan kayo sa tabing-dagat.

Gusto mong maranasang magtampisaw kayo sa ulan.

Gusto mong maranasang kumain kayo sa labas at ipagbuhat ka niya ng upuan.

Gusto mong maranasang maglakad ng magkahawak-kamay kayo habang papalubog na ang araw.

Gusto mong maranasang halikan ka niya sa mga pagkakataong hindi mo inaasahan.

Gusto mong maranasan ang magtakbuhan kayo at sabay kayong madadapa, at matutumba siya sa ibabaw mo. Magkakatitigan kayo.

Gusto mong maranasan ang haranahin sa kabila ng boses niyang hindi naman kagandahan.

Gusto mong maranasan na isayaw ka niya sa ilalim nang bilog at maliwanag na buwan.

Gusto mong maranasan ang mga iyon, hindi ba?

Ang maramdaman at iparamdam sa'yo na babae ka.

Na sa kabila ng kabaduyan ng mga eksena sa pelikula... Na sa kabila ng mga hindi na kapani-paniwalang mga batuhan ng linya...

Umaasa ka. Umaasa ka na may darating na tao na ipaparamdam sa'yo na ang pelikula at tunay na buhay ay mayroon din namang pagkakapareho...

Na may magmamahal din sa'yo ng totoo.

Kaya naghihintay ka. Naghihintay ka pa rin sa araw na darating na siya sa buhay mo.

Na kahit naiinis ka sa kabaduyan ng mga pelikulang napanuod mo...

Umaasam ka pa rin na may taong darating...

...at magiging baduy kayong pareho. Magiging baduy kayo ng magkasama.

Darating siya. Maniwala ka.

Sa ngayon, maghintay ka na muna.

Word VomitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon