"Para kang tanga..."

56 53 0
                                    



Napapangisi siya sa pagpapa-cute nito. Napapangiti sa walang tigil na paglalambing. Natatawa sa walang pakundangang pangungulit...

Pero sa tuwing nagsasabi ito na mahal siya nito...

Napapailing siya. Palihim itong tititigan. Pasimpleng pagmamasdan... bago hahampasin ng walang pakundangan.

"Para kang tanga..." Palagi niyang sagot.

Dahil hindi katulad ng ibang babae... hindi niya sasabihin ng diretso na mahal niya rin ito.

Dahil kulang ang mga salita.

Hindi sapat ang Mahal din kita.

At hangga't kaya niya... Sasabihin niya ito sa paraang alam niya. Sa paraang magaling siya.

Sa pagiging siya.

Word VomitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon