CHAPTER 14
NAPATIGIL SA pagpasok si Gladz sa opisina niya ng makitang puno iyon ng pulang rosas na halos hindi na niya makita ang mesa niya. Nang itulak niya pabukas ang pinto ng opisina, sumalubong sa kaniya ang halimuyak ng rosas na nanuot kaagad sa ilong niya.
"Pasensiya na ma'am, hindi ko sila napigilan ng ilagay nila ang mga 'yan sa labas ng opisina mo." Anang sekretarya niya na nasa likuran niya, "pinatawag ko ang security pero nanghinayang din naman po akong ipatapon kasi ang gaganda kaya naman pinapasok ko nalang po sa opisina niyo. Hindi naman po sinabi ng mga nagdala kung kanino galing—"
"Ayos lang." Aniya. Parang alam na niya kung kanino galing ang mga 'to. "Maganda nga." Mahina niyang sambit habang ingat na ingat na naglalakad patungo sa mesa niya dahil ayaw niyang masira, masagi o maapakan ang mga bulaklak.
Nang makaupo sa swivel chair niya, napatitig siya sa card na naroon sa ibabaw ng mesa niya. Kinuha niya iyon ay binuklat.
'Flowers for my Honey. - Pierce'
Sinupil niya ang ngiting gustong kumawala sa mga labi niya.
This guy... He's really something. Nanliligaw na ba ito? Napailing siya saka kinuha ang cellphone sa shoulder bag at tinawagan ang binata.
"Morning, Hon." Kaagad nitong bati sa kaniya ng sagutin nito ang tawag niya. "Nagustuhan mo ba yong mga bulaklak?"
"Ang daming bulaklak." Aniya saka inilipat niya sa kabilang tainga ang hawak na cellphone. "Ano ba ang naisip mo at pinadalhan mo ako ng bulaklak?"
"Para hindi mo ako makalimutan." Sagot nito, "isang araw tayong hindi magkikita para makapag-isip ka kaya pinadalhan kita niyan."
Umikot ang mga mata niya saka binasa ang nakasulat sa card. "Flowers for my Honey. Sigurado ka bang hindi ka nagkakamali ng pinadalhan?"
"You're my honey, remember?"
Kaagad na bumilis ang tibok ng puso niya. "Ewan ko sayo. Sige, magta-trabaho na ako."
"Okay. Have a good day, Hon." Bilin nito sa kaniya.
"Ikaw din." Aniya saka pinatay ang tawag at napatitig sa kawalan.
Pierce and his sweet gestured. Goodness. Kaya pa ba niya?
Huminga siya ng malalim saka pinilit ang sarili na mag-focus sa trabaho niya sa araw na 'yon. Pero kahit anong pilit niyang ibaling ang buong atensiyon sa trabaho, palagi pa ring sumasagi sa isip niya si Pierce at ang mga sinabi nito sa kaniya nuong nasa Baguio sila.
Malakas siyang napabuntong-hininga saka tumayo at lumabas ng opisina niya.
"Cancel all my appointments." Aniya sa sekretarya na hindi na niya hinintay na makasagot.
Nang makasakay sa elevator, tinawagan niya si Pierce.
"Nasaan ka?" Kaagad niyang tanung ng sagutin nito ang tawag.
"Sa Village. Bakit?" May pagtataka sa boses nito.
"Wala naman." Aniya saka pinatay ang tawag.
Nang tumigil ang elevator at bumukas, kaagad siyang lumabas at nagtungo sa parking lot at sumakay sa kotse niya.
"I HEARD you punched Beckett." Wika ni Tyron habang nagdi-dribble siya ng bola at binabantayan siya nito.
Pierce made a fake step to the right, deceiving Tyron, then he immediately turns left and took a three point shot.
Nang pumasok ang bola, bumaling siya kay Tyron na pagod na nakapameywang. "Its none of your business, man."
Mahinang natawa si Tyron saka inakbayan si Valerian na dumaan sa gitna nila. "Bud, Pierce punched Beckett."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 18: Pierce Rios Muller
Ficción GeneralWARNING: SPG | R-18 | Mature Content Mabibilang ni Gladz kung ilan na ang mga naging boyfriend niya mula ng mamulat siya sa mundo, at lahat ay niloko siya at pinagpalit sa iba. Kaya sa edad na bente-otso, siya na yata ang pinaka-numero unong fan ng...