Chapter 03: Home
Camille's Point of View
Napalingon ako sakaniya, agad kong napansin ang mahahaba niyang buhok, matangos na ilong at ang mata niyang nakakaakit.
Walang halong biro, ang ganda niya.
Naalala ko ang nangyari sa hallway, kung hindi ba ako gutom ng mga oras na 'yon, paparusahan niya kaya ako? Eh ngayon kaya, paparusahan niya na kaya ako?
Napayuko ako agad nang tumingin siya sa akin. Mukhang nagulat pa siya pero bumalik din sa pagkataray ang mukha niya.
"Drendono." sabi niya na ikinaangat ng ulo ko. Nakatitig lang siya sa akin. "I didn't know na dito lang pala kita makikita." sabi niya pa at ngumisi.
It looks like she's going to punish me now.
"Paparusahan mo na ba ako?" tanong ko na ikinatawa niya. Napakunot ako ng noo. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah? Sarcastic ba ang pagtawa niya?
"No." sabi niya pagtapos ng tawa. "I'm here to say something to you."
Napakunot noo ako. Hindi niya ako paparusahan?
Umabante siya dahilan para mapaatras ako. "Alam mo... I really hate you." sabi niya pa.
Nanlaki ang mga mata ko. She hates me? Hannah Davis hates me? Pero bakit?
"H-Ha? P-Pero bakit?" ugh Camille! Bakit ka nauutal sa harap niya? Kahapon 'di ka naman ganiyan ah!
She just shrugged at umalis na sa harap ko. Natameme ako ng sandali, bakit hate ako ni Hannah Davis? Dahil ba nabuhusan ko siya ng frappe na iniinom niya? O baka dahil sa pagsasagot ko ng walang galang sakaniya? Bakit? Anong dahilan? Pero kung dahil man 'yon sa pagkakabuhos ng frappe niya, edi dapat pinarusahan niya na ako. Hindi ko alam kung bakit ako nabo-bother sa sinabi ng babaeng 'yon.
"Ysabelle. Tell me, ano ba talaga ang totoong ugali ni Hannah Davis?" lumingon sa akin si Ysabelle nang nagtataka.
"Napaka-out of nowhere naman ng tanong mo. At bakit mo naman natanong 'yan?" napalunok ako sa tanong niya. Sasabihin ko ba ang nangyari sa library kanina?
"Ha? Uh, wala. Nakaka-intimidate kasi siya pag nakakasalubong ko." pagpapalusot ko nalang at umiwas ng tingin.
"Actually, isa ako sa target ngayon ng Queen." sabi ni Ysabelle na ikinagulat ko.
"Target?" tanong ko at tumango lang siya.
"Target niya akong ibully at ipahiya. Tinulungan ko kasi 'yung kaklase ko kahapon galing sa pangbubully niya kaya nadamay ako. Ngayon, ako na naman ang target niya." napakibit balikat lang siya habang tinatahi ang laylayan ng sira niyang skirt.
"Ibig sabihin. . . si Hannah Davis ang dahilan kung bakit tinatahi mo 'yang skirt mo ngayon?" tumango lang siya kaya napakagat ako ng labi.
Ang sama!
"Bakit 'di ka lumaban?" tanong ko na ikinatigil niya. Tinignan niya lang ako saka nagsalita.
"Useless ang lumaban, Camille. Lalong lalala lang ang sitwasyon kapag lumaban ka. Lalo ka nilang paparusahan." sabi niya at napa-aray nang matusok ng karayom ang daliri niya.
Hindi ko na nakita pa si Hannah Davis matapos ang araw na 'yon. Posible din 'yon dahil sa laki ng university. Tuwing kita namin ni Ysabelle sa hallway or sa kahit saan mang lugar sa school, iniiwasan niya ako. Alam ko na kung bakit.
Dahil ayaw niyang madamay ako.
Ilang beses ko na siyang sinasabihan na lumaban pero ayaw niya. Lalo lang daw lalala. Naaawa na nga ako sakaniya tuwing nakikita kong nagkakaroon siya ng pasa sa katawan. Pasalamat nalang talaga ang Hannah Davis na 'yon dahil hindi ko siya nakikita. Masasabunutan ko ang impaktang 'yun!
BINABASA MO ANG
Underhanded (ON GOING)
RandomSi Camille ay isang mabait, maaalahanin at maganda ngunit sapat ba iyon upang maging masaya sya? Paano kung ang mundong ginagalawan niya ay isang kasinungalingan lamang? Lahat ba ng napagkakatiwalaan nya ay pinagkakatiwalaan din sya?