Nicole's POV
The whole trip papunta sa apartment namin tahimik lang si Rain. Naparami rin siya ng inom kanina. I know she's disappointed. That's the thing with Rain, masyado siyang transparent. Nakikita ko kaagad kung hindi siya ok. And I know her. Alam kong hindi siya ok sa ginawa ko.
Nasa parking lot na kami ngayon. Pagtanggal niya ng seatbelt niya lalabas na dapat siya.
"Babe" sabi ko sa kanya habang hawak ko yung kamay niya.
Tinignan lang niya ako.
"Say something please?"
Hinalikan niya ako sa cheeks.
"Not now. Nakainom ako. Tara na" sabay smile niya. Pero hindi pa rin siya ok.
Habang nasa elevator kami, hindi pa rin siya nagsasalita. Hinawakan ko yung kamay niya at sinandal ko yung ulo sa shoulder niya.
"Goodnight" sabi niya at saka niya ako hinalikan sa lips.
Papasok na siya sa apartment niya pero tinapik ko siya sa likod. Lumingon siya sa akin.
"Can I sleep on your apartment?"
"Why?" sabi niya.
"I don't want to sleep alone tonight"
Binuksan niya yung door at pinauna niya akong pumasok. Dumirecho siya sa kwarto niya. Sumunod lang ako sa kanya.
Paglabas niya ng banyo nakabihis na siya ng pang tulog niya. Inabutan niya ako ng shirt at boxer shorts.
"Ok na tong shirt" sabi ko.
Nagbihis ako sa harap niya. Hindi na rin big deal because she'd seen me in my undies before.
Gustong gusto ko talaga kapag suot suot ko yung mga shirt niya.
Pagkatapos kong magbihis humiga na siya sa bed. Tumabi ako sa kanya.
I don't know what to do. Alam kong hindi siya ok. Pero tulad ng sabi niya kanina mas ok na mag-usap kami bukas dahil naparami siya ng inom ngayon. Baka mas lalo lang lumala.
Hinila ko yung kamay niya at saka ako humiga sa dibdib niya. Niyakap ko siya. Naramdaman ko rin naman na nakayakap rin siya sa akin.
"I love you" sabi ko.
Hinalikan niya yung ulo ko.
"I love you" sagot niya.
Tinignan ko siya. Hindi ko pa rin maiwasan maguilty.
Nag-smile na lang siya. Pinapagaan lang niya yung loob ko. Kaya mas lalo akong naguguilty dahil ako ang dapat gumagawa nun ngayon.
"Babe I'm sorry" sabi ko.
"Bukas na Niks. Inaantok na ako"
Hindi na ako nagsalita. Pinilit ko na lang na matulog kahit na sobrang nag-aalala ako.
----------------------
Rain's POV
Pag-kagising ko wala na si Nicole sa tabi ko. Tinignan ko yung oras. 8:48 AM. Saturday ngayon kaya wala akong work. Matutulog pa sana ulit ako pero may narinig akong ingay sa kitchen. Bumangon ako at pumunta sa banyo para maghilamos at toothbrush.
BINABASA MO ANG
Sweet Disposition
RomanceSequel to She's My Cold Coffee Are you willing to fight for the one you love? How long are you going to understand? Is love gonna be enough?