"Maawa ka." Sambit ng ginang habang itinatali s'ya ng babaeng may pulahang buhok sa isang single sofa. Natatakot sa posibleng mangyare.
"Maawa?" Ngumisi ang babae at hinigpitan lalo ang pagkakatali. Halos mawalan naman ng hininga ang ginang. Pakiramdam n'ya ay hinihiwa na ang kan'yang braso. Nagkukulay ube na rin ang bahaging iyon. Nang masiguro na ng babae na nakatali na ng maayos ang ginang walang emosyon n'ya itong pinagmasdan. Blanko ang utak ng babae at gusto lamang nito ay makamtam ang napupusuan ng kan'yang puso, paghihirap ng taong kaharap.
"Maawa ka. Patawarin mo 'ko." Habol ang hinga ng banggitin n'ya ang mga katagang iyon. "Hindi ko sinasadya." Dagdag pagmamakaawa pa nito. Kasiyahan. Natutuwa ang babae sa nasasaksihan. Natutuwa s'yang makita na nahihirapan ito.
"Bakit? May awa ka ba?" Walang emosyong tanong ng babae." Maibabalik ba ng pagmamakaawa mo ang nawala sa 'kin?"
"Hindi ko sinasadya." Manginyak-ngiyak na naiusal ng ginang dahil sa pinaghalong kaba at takot.
"Hindi ko rin sinasadya ang gagawin at ginagawa ko sa 'yo." Malumanay na ani ng babae, may pang-aalo kunwari.
"Nagawa ko lang yun dahil mahal ko ang tatay mo!" Hindi nagulat ang babae sa isiniwalat nito. Pinakantitigan n'ya ito na animo'y pinag aaralan. Umusbong ang sakit.
"Pwes! Ito ang kapalit ng pagmamahal mo sa ama ko." Mabilis na tinusok ng babae ang kaliwang bahagi ng leeg ng ginang. Dahan-dahan n'yang isinisiksik ang kutsilyo sa laman ng ginang dahilan para lalong mahirapan sa paghinga ang kaharap. Hindi pa ito nawawalan ng buhay dahil hindi naman pinunterya ng babae ang mga bahaging ikakamatay agad ng tao. Gusto n'ya itong makitang nahihirapan dahil sa paraang iyon tila nawawala ang poot sa kan'yang dibdib.
"Masarap ba?" Nakangising tanong ng babae. "Ang sarap mahalin ng ama ko, 'no?" Ngumisi s'ya.
"Pa-ra-ang-a-wa-mo.....na..." Umaasa. Nagbabakasakaling maawa ang babae at mapabago pa ang isip nito. 'Liban sa kan'yang pagkakaalam buo na ang desisyon ng babae na patayin s'ya. Sa totoo lang nakukulangan pa ang babae sa nakikita. Gusto n'yang makitang nagmamakaawa ang babae habang naliligo sa sariling dugo nito. Pagkatapos idiin ang kalahati ng kutsilyo nagtungo ulit ang babae sa kusina upang kumuha ng panibagong kutsilyo.
"Maawa ka, please." Umiiyak nitong pakiusap. Hindi makuhang makasigaw ng ginang dahil sa sakit na nararamdaman. Tanghaling tapat na at sa lugar nila ay bihira ang tao sa umaga dahil lahat ng naninirahan doon ay may pasok.
"Kawawa ka naman." Ngumuso pa ang babae habang nilalaro laro ang matalim na bahagi ng kutsilyo. "Ang dami mo ng dugo,oh." Sinipat pa nito ang kaliwang bahagi ng balikat ng ginang gamit ang kutsilyo. Sinadya n'ya ring patamaan ang nakatarak na kutsilyo sa leeg nito dahilan para mapangiwi ang ginang sa sakit. Gumuguhit ang hapdi.
"Patayin mo na ako." Pagsuko nito. Napagtanto na n'yang hindi na magbabago pa ang isip ng babae.'Ganun din naman lang bakit hindi n'ya nalang ako tuluyan.' Sambit ng ginang sa isip. Masakit man ang kahihinatnan n'ya dahil hindi sa ganoong paraan n'ya gustong mamatay, kailangan n'ya na itong tanggapin. Inisip n'ya pang makita ang anak at surpresahin ito. Marami pa s'yang plano na hindi pa nangyayare.
"Gusto ko pang maglaro,e." Ngumuso ulit ang babae umastang parang batang tinanggihan ng kalaro. "Tusok-tusukan, ang umaray,taya! Ayaw mo ba no'n?" Ang matinis na tawa ang nangibabaw. "Hindi ba yun 'yong pinakapaborito mo?"
"Patayin mo nalang ako." Hirap may nagawa pang maiusal iyon ng ginang. Napayuko't pinagmasdan ang ibabang parte ng kan'yang katawan. Iniinda ang hapdi ng mga sugat. Hindi makuhang mamanhid.
"Wag kang mag alala darating tayo r'yan." Pinulot n'ya ang basag na salamin sa sahig. "Wag kang atat, hm?!" At hiniwaan sa pisngi ang ginang gamit ang basag na salamin. Mabilis na tumulo ang dugo doon. "Ayan ang ganda mo na." Tuwang tuwang puri ng babae. "Mamahalin ka lalo ni Daddy!" Walang nagawa ang ginang kundi umiyak sa sakit at awa sa sarili. Binababoy na s'ya ng babae. Hiniwaan lahat ng bahagi ng katawan n'ya gamit ang basag na salamin.