Akala ko

9.6K 74 5
                                    

Araw araw, gabi gabi.
Patuloy na sinasabi..
Masaya na ako.
Nalimot na kita.

Pero araw araw, gabi gabi..
Naaalala ka.
Mga ngiti mong nagiilaw sa buong pagkatao ko.
Mga bosses mong lumulunod sa puso ko.

Nasabi ko na ba sayo?
Na nasaktan ako?
Syempre, kahit naman sabihin ko..
May magagawa pa ba ako?
Kung tanging alaala mo na lang ang nandito.

Bakit naman ganun, mahal?
Pinaniwala mo ko.
Pinaniwala ako ng mga ngiti mong dumadayo patungo sa mundo ko.
Pinaniwala ako ng mga bosses mong tila palaging tumatawag sa diwa ko.

Akala ko, may natitirang lugar pa dyan puso mo.
Akala ko, nilaanan mo na ako ng pwesto sa buhay mo.
Akala ko, mahalaga na ako..
Akala ko, mahal mo din ako..
Akala ko, may ikaw at ako.

Mahal, wala ba talaga?
Kahit manlang kapiranggot, mahal..
Umaasa ako.
Pero paano?
Kung mismo ikaw na ang nagsabing..
"Akala lang natin 'yun."

Masaya ka na pala..
Bakit hindi ka manlang nagsabi..
Para hindi ako umasang may pag asa tayo.
Pero sino ba naman ako?
Mahal, masaya ako..
Masaya akong may bumubuo na ng umaga't gabi mo.
Na sana ako nalang yun.

Hanggang dito nalang muna ako, mahal.
Sana maging masaya ka.
Sana, hindi nalang kita pinagbuksan noon.
Sana, pinatay ko nalang ang mga tawag mo.
Sana, tinulog ko nalang yung mga pinagpuyatan natin noon.
Sana, hindi ko nalang inakala 'to..

Mahal, akala ko eh.
Akala ko, tayo..
Pero akala ko lang pala yun..

Tula Tungkol Sa Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon