KACHAKAHAN 24

854 16 0
                                    



Chapter 24

Pagkalabas ko sa elevator ay pinahiran ko ang luha ko at pinaklama ang aking sarili. Hindi ako dapat makita ng ibang tao na umiyak ako, dapat ipakita ko sa kanila na parang walang nangyare, na parang hindi ako nasaktan.

Pumunta ako sa HR department para magpaalam kay Clifford. Pagdating ko don ay pumasok ako sa kanyang office at kaagad syang niyakap. Takang taka pa nga ang beki ba't ako napayapos sa kanya habang lumuluha. Tanong sya ng tanong sa akin ano bang nagyare ba't nagkakaganto ako na parang baliw. Hindi ko sinabi sa kanya ang tunay na dahilan kung bakit ako umiiyak bagkos sinabi ko nalang na...

"wala to bes, trip ko lang magdrama ngayon" smile ko sabay yakap ulit sa kanya ng mahigpit. Sabi nya sa akin ang aga-aga ay sinusumpong ako ng kagagahan ko at ng tupak ko, yung wala pa nga daw akong tinutumang alak, nag da drama ako na parang lasing.

"basta bes, thanks sa lahat ng tulong mo sa akin ahh, at sa closeness over load nating dalawa sa kompanyang 'ito, ikaw lang ang nag-iisang gwapong beki este lalake na syang umunawa at nag accept sa kung sino man ako" turan ko sabay kiss sa kanyang checks at lumabas sa kanyang office. Hinahabol nya pa nga ako hanggang sa hallway at nakita ko si Terrence na kakalabas lang ng elevator at papalapit sa kanya. Napahinto ako sa aking paglalakad at napatingin kay Clifford, kaagad ding napatama ang mata ko kay Terrence na ang sama kung makatitig sa akin. Kay inam nya lang din talagang bigyan ng dirty finger kaso kapag ginawa ko yun ay magtaka si Clifford.

"Yna" tawag nya sa pangalan ko pero kaagad syang hinawakan ni Terrence sa kamay sabay abot ng isang papel. Rinig ko pa na need nya ang papers na yun mamaya sa meetings.

Agad na pumasok ang dalawa sa HR department at nang di ko na sila matanaw ay umalis na ako at syang baba ko sa VBL building.

Ilang buwan din akong nagtrabaho sa kompanyang ito. dito ay naibahagi ko ang aking talento at talino, sa kompanyang ito ay dito ko na ramdaman ang pagiging special sa pamamagitan ni Clifford. Sa kompanyang 'to ay dito nag evolve ang pagkatao ko, dito ako nag mature, at nagmahal sa isang taong hindi deserve ang pagmamahal kong iyon.

Its worthless mga bes, I gave my all to him, but in return he hurts me, he broke my heart and made me cry. Alam kong takang taka si Clifford sa nagaganap, gusto ko mang sabihin at aminin sa kanya ang lahat ay hindi na dapat.

Hindi ko na sinabi sa kanya ang tunay na dahilan kung bakit ako nagdrama ng ganun na para bang nagpapaalam, kung sa tutuusin nagpapaalam na nga talaga ako sa kanya. Di ko na sinabi sa kanya ang tunay na naganap sa pagitan namin ni Terrence dahil alam kong mag-aaway lang ang dalawa at baka ako pa ang makasira sa pagkakaibigan nila.

Masakit dahil parang napunta sa wala ang lahat ng ginawa ko para makatulong sa pag-angat ng kompanyang ito. nawala lahat ng sakripisyo ko sa paggawa ng mga articles at sa pag suong sa mga challenges na pinapataw nila sa akin. Napunta sa wala ang lahat ng paghihirap ko para lang unawain at intindihin lang ang ugali ng boss kong punyemas. Masaya ako dahil mula nang na i-release ang magazine ay pumatok iyun, at sa loob ng ilang araw ay tumaas ang ratings at sales namin. Lahat ay nagkakasaya dahil sa kabila ng paglitaw at pag gaya ng karibal naming kompanya sa magazine namin ay nagawan ng paraan para lang pumatok sa masa, pero nakakalungkot lang dahil parang hindi ako parte ng nakamit nilang tagumpay.

Katulad ni Drake na nyetang ex ko, ay ginagamit lang din nila ang talino ko, ginamit nila ang galing ko para maging number one ulit sila, pero heto ngayon, pinagtabuyan nila ako na para bang wala akong naiambag sa kompanya nila dahil lang sa kay Terrence na todo kung maka akusa sa akin na ako ang spoiler, ako ang traidor sa kompanya nya at dahil lang sa nakita nya akong nakikipag usap daw sa CEO ng karibal na kompanya at heto napagbintangan nya akong nakikipag sabwatan sa mortal na kalaban ng VBL. Ang shakit mga besh! Shubrang shakit!

Mahirap Kapag Chaka (Under Revision)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang