Isang istoryang wala lang. Sobrang maikling kuwento lang. One shot. Temporary lang yung title, baka palitan ko pa wala kasi akong ibang maisip ngayon. Yun lungs! :))
-----
Nandito ako ngayon nakaupo sa paborito kong bench sa mini forest ng paborito kong parke. Ang bench na katabi nang paborito kong puno ng balayong at ang bench kung saan unang nasilayan ng mapupungay kong mata ang Benj ng buhay ko.
Ang lalaking unang nagpatibok ng akala ko'y manhid na puso-----si Benjamin Marco Jang. Ang natatanging nilalang na nakilala ko na nagmamay-ari nang isang paris ng hazel brown na mata na kapag tinignan ko'y parang hinihigop ang buong pagkatao pati nga yata katinuan ko, hinihigop. Mayroon din syang napakatangos na ilong na napakasarap kurutin ang tungki at mapupulang na labi na nagtataglay ng napakatamis na ngiti. Ang ngiting kapag nasilayan mo ay magpapaliwanag ng iyong paligid at magpapawi ng iyong lumbay. Maaring sasabihin niyong pangpocketbook lang ang mga katangian niya lalo na kapag dinagdag ko na matangkad sya, gwapo, may matipunong katawan at ang suma total ay isa syang tunay na Adonis. Pero ano ang magagawa ko, yun ang totoo. Kahit hanapan niyo pa siya sa facebook!
Tumingin ako sa orasan kong pambisig, alas kwatro y media na pala ngunit di pa dumarating ang Benj ng buhay ko. May usapan kasi kami na magkikita kami ngayon.
Naalala ko ang unang pagkakataon na nakita ko siya. Nagbabasa ako ng paboritong kong libro at nakaupo sa paboritong bench ko nang bigla syang tumabi sa akin at tinignan ang aklat na binabasa ko. Then, click! Sa unang pagkikita pa lang nagkasundo na kami lalo na nung mga sumunod pang araw. Pakiramdam ko nga pwede na kaming tawaging perfect couple.
Ang sarap isipin na maglalakad ako sa altar na nakasuot ng traje de boda at ang lalaking pakakasalan ko ay siya. Bubuo kami ng pamilya, napakalaking pamilya na ang bilang ng magiging anak namin ay higit pa sa isang dosena.
*lubdub* *lubdub*
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nilagay ko ang mga kamay ko sa dibdib ko.
*lubdub* *lubdub* *lubdub*
Ang lakas ng pintig ng puso ko. Ganito madalas ang nararamdaman ko kapag malapit sa akin si Benj. Tumingin ako sa paligid ko, sakto naman ang pagbungad ng nakangiting mukha ni Benj sa akin. Ang galing talaga ng puso ko, kilalang-kilala niya si Benj siguro dahil na rin siya lang ang tinatangi nito.
Tumingin ako sa direksyon niya habang papalapit sya sa akin. Kahit sa malayo, tanaw na tanaw ko ang mapupulang labi niya na tila ba'y hindi ka magsasawang halikan.
"Kanina ka pa? Pasenya, medyo na late ako." sabi niya sa baritonong boses.
"Ayos lang. Wala yun." sagot ko sa kanya.
"So, tara na." tapos ay inakbayan niya ako at naglakad na kami palabas ng mini forest. Ang sarap sa pakiramdam. Sana laging ganito.
"Ay, teka may ibibigay pala ako sa'yo." sabay mat dinukot syang kendi mula sa bulsa niya at inabot sa akin. "Tikman mo, dali."
Sa tono pa lang ng boses niya, parang hindi ko na kayang tanggihan ang simpleng pakiusap niya. Agad kong sinubo ang kendi.
"Ang pait!" bulalas ko sabay dura ng kendi.
Mapait ang kendi-----kasing pait ng katotohanan na ang lahat ng sinabi ko kanina ay mananatiling pangarap lang. Ang managinip lamang ng gising ang tangi kong magagawa dahil ang isang katulad ko'y kailanman ay hindi niya kayang ibigin. Kahit ihandog ko pa sa kanya ang lahat ng bituin sa langit, gawing umaga ang gabi at paputiin ang mga uwak ay kulang pa. Pero ang higit na mapait dun ay ang katotohanang ang pagiging ako ay hinding-hindi magiging sapat para ibigin niya. Dahil ako,
SI ALEXIS AY ISA RING LALAKE.
BINABASA MO ANG
I Can Never Be Your Woman (One Shot)
Short Story"Pero ang higit na mapait dun ay ang katotohanang ang pagiging ako ay hinding-hindi magiging sapat para ibigin niya. " -Alexis