Chapter 17 - Jealous Guy

13 6 0
                                    


"For once in my life, I don't have to try to be happy. When I'm with you, it just happens."

Ellie's POV


Papunta ako sa bahay nila Andrew. Dinala ko na ang notebook ko para doon ko na lang isulat sa kanila yung assignment namin sa Math at hindi na ako babalik pa para isauli yung libro sa kanya.

Malapit na ako sa bahay nila nang makita ko si Mike na naglalaro sa may buhanginan kasama ang kanyang pinsan na si Jaycee.

Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Ewan ko ba kung bakit tuwing nakikita ko siya e nagbabago ang tibok ng puso ko.
Para siyang caffeine na nakakapag-palpitate ng puso.

Diretso lang ang lakad ko papasok sa bahay nila Andrew. Nahihiya kasi ako na unang bumati sa kanya.

"Saan ka pupunta Ellie?" ang tanong ni Mike sa akin.

Lumingon ako sa kanya at bago pa man ako makasagot sa tanong niya ay nagsalita siyang muli.

"Dadalawin mo ba yung asawa mo?" ang tanong niya ulit sa akin.

Nagulat ako sa tanong ni Mike. Parang may iba siyang gustong ibig ipahiwatig sa akin.

Hindi ko nagustuhan ang tanong niya.

"Asawa? Si Andrew? Hindi ko yun asawa. Pumunta ko dito dahil kokopyahin ko yung assignment na nasa libro niya." Naiinis na sagot ko kay Mike.

Hindi ko na hinintay pang mag salita ulit si Mike. Tumalikod na ako at lumakad papasok ng gate. Ano bang problema niya at naisip niya yung ganong bagay? Nag-away ba sila ni Andrew? Bakit ba ganun siya magtanong sa akin? Kung biro man iyon e hindi ako sanay sa ganung klase ng biro. Ang pangit pakinggan. Parang ang dating e ako pa yung lumalapit sa lalake para mag papansin. Grabe talaga si Mike.

Bumukas ang pinto at ang daddy ni Andrew ang nagbukas.

"Good afternoon po. Si Andrew po?" Ang bati ko sa daddy ni Andrew.

"Tuloy ka, ija." Pinapasok ako ng daddy niya at pinaupo sa couch.

Lumabas si Andrea ng kwarto.

"Hi, Andrea." Ngumiti sa akin si Andrea at tinawag niya si Andrew na nasa kabilang kwarto naman.

"Kuya! Nandito si Ellie" pasigaw na tawag ni Andrea kay Andrew.

Lumabas si Andrew ng kwarto at bigla silang nagsenyasan ni Andrea. Mata lang ang gamit nila pero nahalata ko iyon. Mukhang may sekreto itong dalawang ito. Pumasok na ulit si Andrea sa kwarto niya.

Bakit ba kakaiba ang mga tao ngayon? Una, si Mike at ngayon naman si Andrew at Andrea. Nakakapagtaka ang mga kilos nila. Ang weird lang.

Dala-dala na ni Andrew yung libro namin sa Math. Lumapit siya sa akin at iniabot ang libro. Umupo siya sa kabilang upuan.

"Kokopyahin ko na lang para hindi na ako babalik mamaya para isauli sa iyo yung libro" ang paliwanag ko kay Andrew.

"Okay, lang. Take your time." Nakangiti siya sa akin.

"Nagawa mo na ba?" ang tanong ko sa kanya habang nagsusulat ako.

"Nagawa mo na ba?" ang tanong ko sa kanya habang nagsusulat ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

They Called It Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon