Chapter 90

5.8K 105 4
                                    

CHAPTER NINETY

Santa Catalina Hospital

Samantala ay palabas na si Gian sa hospital, pinayagan narin naman siya ang kailangan lang ay kumain sya sa tamang oras at magpahinga.

Nakasakay na si Gian sa elevator, biglang may nakasabay syang babae na paniguradong doctor dito.

Hinintay niyang bumukas ang pinto at lumabas na. Nang palabas na siya ay may mabilis na doctor na tumakbo sa harap niya.

May mga sumunod na nurse sa kanya na patakbo rin sa kwartong 102, iaalis na sana ni Gian ang tingin nya ng makatapak sya ng puting panyo.

Yumuko siya para kunin yun. Tinignan nya ang nakalagay dun, puro bulaklakin ang panyo at may nakalagay na letrang E na nakaburda dun.

Napag-isip isip ni Gian na baka na sa doctor itong panyo na tunatakbo kanina. Nilagay nya muna sa bulsa yun at nag-lakad na para lumabas ng ospital.

"Maximo, may darating na ambulansya!" agad na tumayo si Maximo para i-ready ang sarili sa darating na pasyente.

Agad siyang tumakbo sa labas ng ospital upang salubungin ang pasyente "Anong nangyare?" tanong nya kay Skylar.

"Dalawang bala ng baril" matipid na sabi ni Skylar. Dunating na ang ambulansya at mabilis na nagsikilos ang mga doctor.

Puno ng dugo ang lalaki na mga nasa 30 pataas ang edad. Idineretso sya sa emergency room.

Nakara-ready na ang mga doctor para sa operation. Inunat muna ni Maximo ang kanyang para sa gagawin.

Nakita nyang may mga tama ito ng bala malapit sa dibdib at isa sa tiyan. Sinimulan na nila ang surgery.

"Scalpel" sabi ni Maximo sa isang nurse, binigay ng nurse ang utos ni Maximo.

Nang medyo hiniwa ni Maximo ang sugat na galing sa bala ay nakita nila ang bala, agad na kinuha yun ni Maximo gamit ang tongs.

****

"Ma'am" napatingin ang dalawang si Lianna at Kimber sa secretarya nilang malapit sa pintuan.

"Yes?" tanong ni Kimber sa secretary nya "Andyan na po si Ma'am Kristana.."

Napatingin sa isa't isa si Lianna at Kimber, pumasok si Kristana sa loob ng opisina nilang dalawa.

"Hi guys" bati ni Kristana sa dalawang babae. Ngumiti nalang ang dalawa bilang tugon.

Kinuha ni Kimber ang mga designs na ginuhit nilang dalawa ni Lianna. Umupo sila sa tabi ni Kristana at nagsimula.

"Oww, para nakapili na ako kaagad..." sabi ni Kristana habang nakangiti. Tinuro niya ang red gown na may mga katernong mga dyamante sa paligid neto.

"This red gown will be perfectly fit for Emerald" sabi ni Kristana sa dalawa. Napatingin sa isa't isa ang dalawa at ngumiti.

"Kailan ako babalik para makuha ang gown?" tanong ni Kristana at tumayo.

"Maybe sa Wednesday Kristana, makukuha mo na ang gown" sabi ni Kimber sa kanya habang nakangiti.

Nag-paalam naman si Kristana sa dalawa. Hindi maiwasang mapangiti ng dalawa dahil sa nagustuhan ang isa sa mga designs nila.

"Let's start tomorrow" nakangiting sabi ni Lianna atsaka umupo sa swivel chair neto.




BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon