ika-labing anim nakabanata

189 8 2
                                    

MY HEART IS BROKEN

=======

Kapag nakakita ka na ng tunay na kaibigan huwag na huwag mo itong papakawalan at dapat mo itong pahalagahan. Ang pakikipag kaibigan ay para ding pakikipag relasyon. Hindi lang natin iyon napapansin kasi binabalewala natin. You must treasure your friends.

========

Ika-labing anim na Kabanata

-My heart is Broken
pagkadurog ng puso

Rosalia Lynna PoV

*Sunday. St. Del Carmen Academy*

Nakatanggap ako ng tawag mula ama ko. Sabi nya sa akin ako na daw ang maghahandel ng Underground Business namin pero sa sandaling ito ayaw kong pumunta sa meeting kaya hindi ako pumayag. Isa pa, masaya na ako dito kasi kasama ko ang mahal kong si Wendyl.

Hindi ko alam ang dahilan nya kung bakit sya na rito ang mahalaga lang para sa akin ngayon ay makasama ang taong mahal ko. Noon ko pa gusto si Wendyl pero noong malaman ko na sya si Wendy sa halip na masura at magalit, lalo pa akong kinilig at natuwa. Hindi ko sigurado kung totoo yung sinabi nya na nandito sya para sa akin pero sigurado kong para sa akin yung mga pick-up lines nya noon. Yung Tamarind? Gusto ko talaga yun. Kainis sya. Lalo tuloy akong kinikilig dahil sa mga banat niya.

Nagpapractice kami ng pagtakbo noon ng kinulit nanaman nya ako. "Ro, Utot ka ba?" bumabagal na ang pagtakbo ko ng sabihin nya iyon. Nagulat talaga ako noon kasi biglaan ang tanong.

"BAKIT!?" sigaw din naman nina maam at ng mga hinayupak kong klassmates. Nakakapakulo ng dugo e. Gatungan ba naman kasi itong si Wendyl. Kainis. Aykong umasa sa Wala. Ayokong mag-assume na ako nga.

"Kahit malayo ka kasi naamoy ko ang baho mo!!" takte, ang layo na nya sa akin pero hindi ko sya mapapatawad. Tumakbo pa ako ng mas mabilis. Di ko na talaga sya mapapatawad. Kainis sya akala ko pa naman sweet yung sasabihin nya.

Ano pa nga bang magagawa ko e hindi naman ako ang mahal nya kundi Al. At nasasaktan sya ng malaman nyang si Al at Rhianna na. Kaya na lang siguro ako napapagtripan.

Binugbog ko sya sa inis ko noong maabutan ko na sya. Hindi ko napansin na nakalapit na pala sa amin ang lahat at nanaman, hindi ko napansin na maykasunod pa yung pick-up line na iyon.

"Pero kahit na anong baho mo, aamuyin pa rin kita para makabawas ng pulusyon at maging akin ka." napatigil ako at namula sa sinabi nya. Hindi ko akalain maiihabol pa nya iyon pero kinikilig talaga ako kaya heto ako nakayuko.

Nagkumento silang lahat at ayan nanaman si Wendyl sa pick-up line nya. Hinawakan nya ang buhok ko at pinanindigan ako ng balahibo sa batok. "Ro utot ka ba? Kasi kahit na gaano ko gustong pakawalan ka hindi ko magawa sa harap nila."

Kung may ipupula pa ako nagawa ko na ngayon. Sinuntok ko sya sa tyan at namilipit naman sya sa sakit. Umalis na ako sa sobrang sakit, sakit dahil binibigyan nya ako ng maling pag-asa(false hope).

Tumakbo ako palayo at hindi ko akalaing susundan pala ako ni Rhianna.

"Ro, sandali lang. Ano bang problema?" narito na kami sa Building D at alam kong may iskinita dito kaya nilakad pa namin iyon hanggang sa makarating kami sa iskinitang tinutukoy ko.

Huminto ako sandali kasi nakita ko si Wendyl at buhat-buhat sya ni Al. Sumama ang tingin ko sa kanila at bahagya akong nag-pout. Nakita iyon ni Rhianna pero hindi ko sya pinansin at umalis doon. Naglakad ako hanggang sa makarating kami sa garden.

"Huy Ro ano bang problema? Nakakakilig nga yung sinabi ni Wends e." Komento nya na nakatingin sa langit at magkahawak ang kanyang kamay sa likuran.

Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon