Hindi gaanong nakatulog si Victoria sa kabila ng kumportable at malambot na kama dahil una ay namamahay pa sya at pangalawa naman ay nais nyang makilala ang magiging tutee nya. Wala kasi ito kahapon kaya naman wala syang ideya kung ano ang itsura nito. Basta ang alam nya ay isang batang babae ang kanyang tuturuan, wala ng iba pa.
Matapos gawin ang kanyang ritwal sa umaga ay inayos ang mga gamit na nasa bagahe. Dahil alas nuebe pa naman ang nakatakdang oras ng kanilang pagkikita ay namili muna ng damit na maayos at ang ilang materyales na gagamitin mamaya sa pagtuturo.
Maya-maya ay nakarinig sya ng mahinang katok mula sa pinto. Pagkabukas ng pinto muntik na syang mapasigaw sa taong nasa pintuan.
"Kung wala ka ng gagawin ay lumabas ka na at kakain na kayo ng umagahan."
Mabuti na lamang ay napigilan nya ang sarili kung hindi ay naihambalos nito ang hawak na hanger sa taong nasa labas. Matanda na ito at halos nakayuko na ang likod. Itim na itim ang buhok nito at malinis na nakapusod. Ang boses nito'y garalgal na paos.
"May katanungan ka pa ba? Kung wala na ay aalis na ako. Bilisan mo na at ayaw nilang naghihintay sa hapag."
Pakatapos sabihin ay hindi na sya hinayaan nitong makasagot at agad na umalis. Hinatid na lamang ni Victoria ng tingin ang matandang dahan-dahan na naglalakad palayo sa kanya. Matapos maisara ang pinto ay napabuntong hininga at nagmadaling mag ayos. Nakakahiya naman kung mahuhuli sya gayong bagong salta lamang sya sa mansyon na iyon. Ayaw niyang masabihang pa-importante.
Habang naglalakad ay may naalala sya. Ang daan papuntang dining hall ay nakalimutan niya. Hinanap niya ang matanda upang maitanong dito ang direksyon at tinahak ang daan papuntang receiving area, nagbabakasakaling nandoon ang hinahanap.
Papunta na sana siya ng harangin siya ng isang may katangkaran na lalaki. Blonde ang buhok nito at mukhang banyaga ang itsura. Hindi katulad ni Adelaide ay may berdeng mata ito na umaangkop sa mukha nitong napaka-gwapo. Nagulat man sa biglaang pagsulpot nito ay naglakas-loob syang magtanong dito.
"Excuse pwedeng mag--"
"Pumunta ka sa kwarto sa itaas, pang-pitong pinto sa kanan at linisin mo ang lahat ng kalat doon. Gusto kong walang makikitang alikabok kapag pumasok ako. Understand?"
"Pero hindi po a--"
"One more thing. Siguraduhin mo lang na maaayos mo ang kwarto dahil malalagot ka sa'kin kapag naabutan ko na madumi ang kwarto." Sasagot sana siya pero tinalikuran na siya ng lalaki.
"Jusme! May mga regla ba ang mga lalaki sa bahay na ito at lahat mukhang iritado?" Imbes na sundin ang sinabi ng lalaki kanina ay nagpatuloy na lang sya sa tinatahak na daan. Bakit nga naman niya susundin ito gayong hindi naman sya isang kasambahay.
Pagdating niya ay sakto namang nakita si Zygfred na nakaupo at tila kay lalim ng iniisip. 'Lalim ng iniisip ah. Gulatin ko kaya 'to?' Napangisi naman si Victoria sa naisip. Ramdam niyang hindi sya nito nakikita kaya dahan-dahan syang pumunta sa likod nito para gulatin.
"Kung manggugulat ka, siguraduhin mong walang makakaramdam ng presensya mo." Ang gagawin ay natigil, sya naman ngayon ang nabigla sa pagsasalita nito.
"Anong sinasabi mo dyan? Hindi--"
"Kung hindi ay anong ginagawa mo dyan sa likod ko at nakataas pareho ang kamay?"
"Teka pano mo--"
"Kanina pa kita napansin."
"Ah.." Tangna! Lupa please kainin mo na ko ngayon na! Bakit nga naman kasi niya binalak ang kalokohan na iyon? Sa sandaling pinairal niya ang pagka-isip bata gusto na niyang sapakin ang sarili. Para makabawi sa pagkapahiya ay tumikhim muna sya bago mangtanong.
BINABASA MO ANG
Meeting The Richards
FantasyTinanggap ni Victoria ang hinihinging pabor sa kanya ng matalik na kaibigan. Ang humalili na maging tutor panandalian sa isang pamilya na kakatwang kakaiba. Matagalan niya kaya ang mga ito?