The moment you left

120 4 0
                                    

Isang malaking katanungan sa akin kung ano 'tong nararamdaman ko ngayon. Wala akong sakit pero parang hindi maganda ang pakiramdam ko. Nagsimula ito noong nakita ko ang isang dalagita na tumabi sa akin noong isang araw. Siya ay si Rose. Nakita ko ang I. D niya sa mga oras na umupo siya sa tagiliran ko. Unang araw iyon sa kinuha kong kurso na Visual Photography.

Bumangon ako galing sa aking higaan para mag-ayos at maghanda papunta sa skwela.

"Anak! Bumaba ka na at makakain na!" Sabi ng aking ina na si Lucia.

"Opo, pababa na po." Sagot ko sa aking ina.

Bumaba ako at kumain. Tanaw ko ang aking ina at ama. Tila masaya ang gising ng aking mga magulang.

"Ano po bang meron?" Tanong ko sa kanila.

"Nakalimot ka na ba, anak?" Sagot ng aking nanay Lucia.

"Anniversary namin ngayon ng iyong ina." Sagot ng aking amang si Fredo.

Limot ko ang araw na ito dahil sa bumabagabak sa aking isipan na si Rose. Niligpit ko ang aking pinagkainan at kinuha ang aking mga gamit sa skwela para makaalis na. Nagpaalam ako at bumati sa kanilang anniversary.

Pagdating ko sa klase, lingat ko ang aking mga kaklase. Then it hit me. Late pala ako, at bilang parusa pinapili ako ng aking guro, either i'll sing sa klase or i'll stay out. Pinili ko ang kumanta kasi sa hindi pagmamayabang, medyo maganda din yung boses ko. Pumunta ako sa harap at kumanta ng madamdaming awit ng secondhand serenade na "why". Tila napahanga ko ang aking teacher.

"Nice voice, Jake" at binulgar ng aking guro ang aking pangalan.

"Thanks!" Sagot ko sa aking guro.

Pinaupo ako ni Ginang Tess sa aking upuan. Nong papunta na ako, bumungad sa akin si Rose. Napatigil ako sa aking paglalakad.

Rose?!Nandito ka na naman?! Anak ng titing e o..manggugulo ka naman ngayon no?! GRRRR na buhay to o... Sabi ko sa aking sarili. Tumuloy ako sa aking upuan ng maamoy ko ang tila bangong anghel ni Rose. Ngayon, hindi ko na talaga alam ang gagawin sa babaeng katabi ngayon. Nagbigay ng lecture si Ginang Tess sa amin at individual activity. Kumuha ako ng isang papel at.. Ballpen ko! Nawawala ang ballpen ko!. Pusang gala! Ngayon pa nawala! Wala na akong ibang panulat.

"Jake, sayo yata 'to?" Sabi ni Rose. Si Rose?

Parang uminit ang buong katawan ko nang marinig ang kanyang malambing na boses. 'Di ko man tanaw, alam kong namumula ako. Lumingon ako sa kanya at hawak niya ang aking ballpen.

"Nahulog mo yata." Sabay sabi niya.

Nahulog? Pambihira! Ikaw pa ang nakapulot... Ikaw ha?!

"Ahhh.. Salamat." Sagot ko sa kabutihan nya. Tinapos ko kaagad ang activity kasi inabotan na ako ng bell dahil sa aking ballpen. Pinasa ko ang aking papel kay teacher at sabay labas sa classroom. Hindi pa nakuntinto si Rose at kinausap pa niya ako paglabas ko sa silid aralan.

"Hi!"

Ang lambing ng boses.

"O, ikaw pala?" Sagot ko sa dalagita.

"Pwedeng pasabay? Wala kasi akong kilala dito e" hiling ni Rose sa akin. Sa walang ano-ano, sumulpot si Tyrone, ang matalik kong kaibigan.

"Wazzup, men, bilis maka-bingwit a.. Ikaw na pare, ikaw na!"

"Hui, tumahimik ka nga..nakakahiya." Sabi ko kay tyrone.

"Ano? Tara?" Tanong ko kay Rose ng lumingon ako sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The moment you leftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon