Chapter 56 - Unveiling Mask with the Vengeance

190 14 0
                                    

My POV


Si Xania ngayon ay naglalakad patungo sa room number ni Xandra sa hospital kung saan ito dinala.


Kinaumagahan matapos ng mangyari sa kanila ni Shin ay agad syang umalis roon at dumeretso sa hospital.

Habang naglalakad ay nakasalubong nya ang ama na si Xander. Ngunit di nya ito pinansin at nilagpasan ito.

Alam nyang alam nito ang ginawa nya kay Xandra. Wala ng iba pang magsusumbong.

"Xania."

Napahinto sya sa tawag ng kanyang ama at hinintay itong magsalita. Naramdaman nya ang paglapit nito kaya humarap sya dito.

"Why did you..."

"Revenge."

Maikling sagot nya sa tanong na di magawang matapos ng kanyang ama.

Kita nya ang lungkot sa mukha nito ngunit naging bato na nga ata sya para dito dahil di nya maramdaman ang awa.

"Pwede ba kitang makausap?"

Tiningnan nya itong mabuti dahil sa pakiusap nito. Never in her lifetime na nakiusap ito sa kanya.

"Pagkatapos ng gagawin ko."

Malamig nyang sagot dito at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Anong gagawin mo?"

Hindi nya ito pinansin at pinasok agad ang room ni Xandra at nadatnan ang mag-ina sa room na sabay lumingon sa kanya. Si Xandra na nakahiga at ang ina na naka-upo sa gilid ng kama.

"Mabuti naman at buhay ka pa."

Saad nya rito habang si Geline na ina ni Xandra ay pumagitna. Nakita nyang pumagitna rin ang ama nya sa kanila na may nangungusap na tingin sa kaniya.

"Umalis ka dito Xania kung ayaw mong ipapupulis kita."

Galit na saad ni Geline.

"Walang magagawa ang paraang iyan Mrs. Fortalejo. I am protected by 5 high ranked police officers."

Sabay na nangunot ang noo nila sa isinaad ni Xania. Hindi iyon pinansin ni Xania at kinuha ang USB sa bulsa.

"Wag kang mag-alala, di kita papatayin. Leksyon lang iyon para malaman mong di mo dapat ako kinakalaban. At isa pa, hindi ka mamatay sa saksak dahil alam kong masamang damo ka pero sinisiguro kong mamamatay ka sa sakit sa damdamin. Here."

Initsa nya patungo kay Xandra ang USB na agad naman nitong nasalo. Masama itong tumingin sa kanya.

"Ano to?"

"USB."

"Alam ko! Anong gagawin ko dito."

"Kainin mo."

Tumalikod na sya sa kabobohan nito at lumabas habang naiwan ang tatlong may pagtataka sa mukha.

Kinuha ng ina ni Xandra ang laptop at ibinigay sa anak.

Si Xander Fortalejo ay agad na sinundan ang anak na si Xania sa paglabas habang naiwan ang mag-ina na hinihintay ang pagplay ng video na tanging laman ng USB.

Nung nagplay ay pareho silang nagulat sa nakita. Hinahalikan ni Shin sa leeg si Xania.

("I Love You Xania.")

("I ..hmm.. love you too, Shin.")

"Oh my God!"

Di makapaniwalang bulalas ng ina ni Xandra habang sya ay nagsimula ng manubig ang mga mata dahil sa narinig at nakita.

YuXa: The X Leader [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon