"Ma'am," natigilan ako sa paglalakad ng sumalubong sa akin ang dalawang body guard. Kumunot ang noo ko at bahagyang humigpit ang hawak sa tray na hawak ko.
"Why?" Hindi ko maiwasan ang iritasyon sa biglang paglitaw nila. Malalim na ang gabi at nasa kanya kanya nang silid ang tao sa bahay.
"Sasamahan po namin kayo sa kwarto ni Sir Luther." Napakamot ng ulo ang lalaki. Natigilan ako at napatingin ng seryoso sa dalawa. "Utos po ni Sir Yosef." Malamig na pahabol ng isa.
I thought dad trust me? Bakit kailangan nila sumama? I want alone time to talk to Luther. Paano ko siya makakausap kung may dalawang asungot akong kasama?
Huminga ako ng malalim. Siguro, kailangan ko nang masanay sa ganito. Even though it's hard. Makakasama at makikita ko naman si Luther. That's enough for me now.
"Ma'am," the two men said in unison. Bigla kasi akong nahilo kaya halos matumba ako. Inagaw ng isa ang tray na hawak ko at ang isa naman ay nakahawak sa siko ko. "Okay lang po ba kayo?" Salita ng naka-alalay sa akin. Pumikit ako ng mariin at kinalma ang sarili. Napapadalas na ang pagkahilo ko.
"I'm fine. Sobrang pagod lang ako." Sagot ko. Siguro, kaya ko din ito nararamdaman dahil sa sobrang stress sa lahat ng nangyayari. I'm lack of enough eat and sleep. Para kasing ayaw pa mag-process sa sistema ko na ganito na kami ngaun.
Parang dati ay walang pakialam ang pamilya sa kung ano man ang gusto namin gawin. And then all of a sudden bigla bigla nalang silang nagpakialam sa amin. And worst.. kahit ano pang pagmamahal ang ipaglaban namin ni Luther. We still don't know kung mananalo kami.
Everything that's happening to us is very exhausting. Pakiramdam ko ay nauubos na nito ang lakas ko. Na kahit pa mismo sarili ko ay parang kandila na unti-unti nang nauubos.
"Tara na," ngumiti ako ng tipid sa dalawa. Tumango sila at sumunod sa akin maglakad. Tumambad sa akin ang mahabang hagdanan na saglit ko lang akyatin at babain noon. Pero ngaun, parang ang hirap hirap makarating sa tuktok. Bawat hakbang ko ay parang may bakal na nakakabit sa paa ko.
Lumiko ako pakanan kung saan ang guest room. Hindi na ako nagtanong coz' it's obviously Luther's room. Mayroon kasing dalawang guard sa tapat nito. I can't imagine how Luther feels about his life now. He was so carefree and happy go lucky na bigla nalang ikinulong sa kwarto na ito.
Napatingin sa akin ang dalawang guard at umayos ng tayo. " Alam ni Sir Yosef." Salita ng guard na katabi ko. Tila ba nag-usap ang mga mata nila na hindi ko alam kung ano.
"Can I enter now?" Pagbali ko sa tinginan nila. Saglit silang natahimik. Ang kalabog ng dibdib ko ay hindi ko maipaliwanag kung bakit ang bilis bilis.
Kumatok ang isa kaya lalo akong kinabahan. "Why?" Isang sigaw ni Luther sa loob ang pumunit sa puso ko. Naiisip ko pa lang amg buhay niya na nakakulong lang dito ay nasasaktan na ako.
"Sir may nagdala po ng pagkain." Sigaw pabalik ng guard. "Go away, or go to hell!" Sigaw niya kaya nasinghap ako.
"Ma'am.. ayaw-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng guard ng humakbang ako palapit. "Ako na bahala.." huminga ako ng malalim at dahan dahan na kumatok.
"I said, go away--"
"Luther, it's me.." sagot ko.
Saglit na tumahimik sa loob kaya lalo akong kinabahan. Ang mga guard sa gilid ko ay tila ba naging alerto. Ano ba akala nila? Lalabas si Luther jan at babarilin silang lahat? Duh! Why are they so OA?
Unti-unting bumukas ang pinto. May kung anong bumara sa lalamunan ko ng makita ko siya. Damn. No one knows how much I missed him.
Bahagyang napauwang ang labi niya. "Sasha.." seryosong salita niya. Kahit mahirap ang situation ay ngumiti pa din ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
No Strings (Strings Series 1)
Художественная проза(Bachelor series 3 Luther Jameson Vera Cruz) Not every story has it's perfect ending..