Dedicated to sa mga taong lumaban para sa pag-ibig pero sa huli ay nasaktan at iniwan parin.
And to those na may experience na sa love and heartbreaks, para sa inyo po ito.
Sincerely,
Raidene-------------------------------------------
Hindi ako takot magmahal, takot akong masaktan
Yung salitang mahal walang iwanan
Pangako hindi kita bibitawan
Pero yung sa huli ay ako nalang ang lumalaban
Yung ilang ulit ko nang inintindi
Yung sinabi mong mahal ako'y nagsisisi
Pero mahal kahit ako'y nasasaktan
Naalala ko kasi yung sabi mong, "mahal walang iwanan, pangako hindi kita bibitawan"
Dumating yung araw na kinatatakutan to
Yung sinabi mong "mahal patawad pero wala na tayo"
At ako naman 'tong nagmamakaawa na bumalik ka
Pero alam ko naman na wala nang pag-asa
Kaya ikaw na nagsasabing takot akong magmahal
Pwes, hindi, takot lang akong masaktan
Na maalala ko ang nakaraan
Yung iiyak hanggang mapagod sa iyakan.
-------------------------------------------
Sa mga hindi pa nakakamove-on, Keep on fighting!Kahit na masakit, go lang.
Always take time to heal...Dadating din yung tamang tao sa tamang panahon, paghihintay lang ang kailangan.
Ciao!
Sincerely,
RaideneAng babaeng iniwan pero hindi kayo bibitawan