ika-labing pitong kabanata

136 10 0
                                    

TOTAL ECLIPSE OF THE HEART

===============

Kapag naglilihim ka, asahan mong may kapalit ito. May masasaktan. Hindi man sila, ikaw mismo ang makakatanggap ng consiquence nito.

===============

ika-labing pitong kabanata
-Total eclipse of the heart
Paglilihim


Rosalia Lynna Croford

Narito na kami sa Building malaking buiding ito at sa bawat palapag may kasapi sa mafia namin. Tsk. Oo mafia na itong maituturing. Sa dami ng sangano dito para na rin itong mafia dagdagan mo pa na may underground business din kami. Tsk.

 "Sino namanyang lalaking yan?" tanong ni papa habang nagsisindi ng sigarilyo.

"Babae sya siya si Wendy." Hinihimas ko ang buhok nya. Mukhang mahimbing ang tulog nya at ikinatuwa ko iyon. Kung pwede lang sana na makasama ko na sya palagi mula ngayon.

"Hindi mo ako madaling maloloko Rosalia. Lalaki yang nasa bisig mo. Hindi mo sya poprotektahan ng ganyan kung hindi sya lalaki. IKaw ang walang paki-alam sa mga babae sa paligid mo dahil sa ginawa ng ate mo sa iyo. Naalala mo ba?" nanlaki ang mata ko ng sabihin nya iyon.

Ang ate ko.

*Flash Back*

Nasa isang bussiness party kami at kasama ko si Ate Lianna. Kapatid ko sya. Kadugo.

"Dito ka lang Rosalia." Bulong nya sa akin at tumango ako. Nakasuot ako ng magandang dress at nilaro-laro ko pa ang suot ko noon.

Lumabas ako sa garden dahil binabanas ako at nakita ko doon ang isang batang lalaki. Kasing edad ko. Ten years old. Natutulog sya sa damuhan kaya naman lumapit ako at tiningnan sya.

"Sino ka? bakit mo ginagambala ang pagtulog ko?" tanong nung bata sa akin. Hindi ako sumagot.

*BOOGSH*

Pareho kaming napalingon sa sumabog. Sa loob yun ng venue ng party. Pumasok agad ako sa loob at nakita ko si Ate, may dala syang kutsilyo. Naroon sya sa pwesto ko kanina kaya naman pinuntahan ko sya.

Hahawakan ko na ang kamay nya ng ngumiti sya sa akin na para bang kakainin nya ako. Itinaas nya ang hawak nya at nakatutok iyon sa akin.

Hindi ko magawang magsalita noon. Wala pa akong boses dahil sira ang voice box ko. Kung mapapaoperahan ako pwede pa akong makapagsalita pero kung hindi iyon magagwa sa loob ng isang bwan hindi na mamari pang magkaboses ako.

"Tumabi ka bata!" sino yun? Hindi ko na nagawang lumingon pa. Isang putok ng baril ang narinig ko. Natumba si Ate pero nasaksak nya ang sumagip sa akin. Yung batang lalaki sa garden, nakahandusay sya sa lapag at may umaagos na likido mula sa kanyang katawan.

Kinuha ako noong isang matandang lalaki at lumingon pa akong muli kay ate at doon sa bata. Papatayin ako ni ate. Ako dapat ang namatay.

*End of Flash Back*

"Ako dapat yun. Ako dapat ang pinatay ni Ate. Kung hindi mo ako iniligtas noon hindi sana ako buhay ngayon at hindi sana ako nakakapagsalita ng ganito." Nakayuko kong sinabi.

"Alam mo naman pala e." Ngumisi si papa. Kinuha nila sa akin si Wendyl at itinali sya sa isang upuan. hinawakan ako ng isa sa mga kasamahan ni Shindo. "Kung ganoong huwag ka ng makulit at sumunod ka sa sinasabi ni papa." Nakakatakot ang ngiti nya. Alam kong hindi sya mabait palagi pero kakaiba ito kaysa noon.

"Papa, tama na po. Hindi na ako aalis pa. Noong gusto kong magtrabaho dito pero noon po iyon. Isa pa bakit hindi na lang si Kuya ang gumawa ng lahat ngito?" oo, hindi na ako aalis. Suko na ako. ayaw ko ng masaktan pa. Ayaw ko ng umasa kay Wendy at susundin ko na ang gusto ni papa.

"Ano ba sya sa iyo." Tumingin ako kay Wendy at nakita kong napupumilit syang kumawala sa pagkakatali nya.

Tinanggal ko ang lahat ng emosyon ko at sumeryoso ako. Seryosong bagay ito at nakataya dito ang buhay nya. Kapag lumihis pa ako sa gusto ni papa, masasaktan lang muli si Wendyl. At masakit iyon para sa akin. Ang nakikitang nasasaktan ang mahal ko.

"Kaklase ko lang sya. Kaya kung pwede pakawalan mo na sya." lumingon ako sa kanan ko upang hindi nya makita ang sakit na namumuo sa mga mata ko.

"Kaklase, Ka-Klase lang pala ako sa iyo Ro. Ha. Ha."Nasasaktan sya. Sinasaktan ko sya sa bawat salitang sinasabi ko. Sino ako para saktan ang mabuting taong ito."Pero minahal kita!" bumaling pa ako lalalo sa kanan ko. Nasasaktan ako. Nasasaktan ko sya. (T^T)

Gusto ko sya muling makitang tumatawa pero hindi ko iyon magagawa. Kailangan ko syang saktan. Kailangan kong sumunod sa utos ni Papa. Ang pakasalan si Hayme Patricio at tumulong sa pamumuno ng UG business.

Ito naman ang gusto ko noon pa hindi ba? pero hindi sa paraang magpapakasal ako kay Hayme Patricio.

Kinuha ko ang sarili ko sa pagkakahawak sa akin at tumingin ako sa mga mata nya. "Pasensya na pero kaibigan lang kita." pinamukha ko iyon sa kanya. Ngayon alam ko na na hindi na nya ako papansinin pa at pababayaan na lang nya ako.

Pero hindi ko inaasahanang sumunod na nangyari. Hinikit nya ako at dinala sa kung saan. Nakarating kami sa lugar kung saanhindi madalas magpunta ang mga tao. Ang mga tubero lamang ang napasok dito. Kaya ligtas kami. Sinabi ko noon sa kanya na may meeting talaga kami at hindi ako rarap(e)in ng sarili kong ama.

Nagkasagutan pa kami sa loob noon hanggang sa nasabi ko na ang lahat sa kanya. Nasabi ko na kahit babae sya mahal ko na sya. Sa maikling panahon ng pagsasama namin, minahal ko na sya.

-------

Nakalabas na kami sa building pero alam kong sinusundan na kami ng red group simula lumabas kami sa pinagtataguan namin. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi pa sila sumusugod hanggang sa makarating kami agad sa may gate ng school.

Muli kaming nakipaglaban sa kanila. Tulad nga ng sinabi ko, mas malakas sila sa mga blue at halos hindi na makayanan ni Wendyl ang pakikipaglaban sa kanila. Mabuti na lang dumating si Rhianna at may kasamang apat na lalaki. Kilala ko yung isa sa kanila at kasapi sya sa isang mafia. Sya nga ba iyon o yung kasintahan nya.

Iyon din siguro ang ikinatakot ni Shinggo kaya umalis sila. Nakatawag na kami ng ambulansya ng umalis sila. Nakita kong ipinasok ng isang lalaki si Alwina at nagtaka ako kung bakit gulong gulo ang buhok nito at ang masama pa. Lumalabas ang kaunting red heart sa kanya.

Hindi kaya may nangyari kanina habang wala kami? Pinilit kong kilalanin ang natitirang red heart at nagulat ako ng malaman ko kung kanino iyon.

Tumingin ako kay Rhianna at ng makita kong nag-aalala talaga sya kay Alwina napahawak ako sa ulo ko. Hindi maari, Si Necean, ginalaw nya ang babaen ito. Putek. Pwede namang ako ang magbigay ng red heart sa kanya kaya bakit hindi na nya ako nahintay.

Ilang sandali pa'y nasa ospital na kami at pinag-usapan namin ang tungkol sa dalawang nasa ER. Nagulat ako ng malaman kong si Alwina pala ay lalaki. At ang hindi ko pa nagustuhang sagot ay alam ito ni Rhianna. Naglihim sya sa akin pero dahil sa paglilihim na iyon ligtas pa rin sila sa mga nakakataas ng paaralan. Kung ako ang nasa kalagayan nya baka ginawa ko rin iyon.

Noong masolo ko na si Rhianna tsaka ko lang sya kinausap ng tungkol sa paglilihim nya sa akin.

"Bakit ka naglihim sa akin Rhianna. Akala ko pinagkakatiwalaan mo ako." Nasa paanan ako ni Wendyl at nawak ko ang kanyang kanang kamay habang nakatingin kay Rhianna na nasa uluhan ni Al at hawak din ang kaliwang kamay nito.

"Pasensya ka na pero, ayokong mawala sa akin si Al. Mahal ko siya at ayaw ko syang mapatalsik sa school. Alam mo na ngayon na ikaw ang pakay ni Wendy. Ano ng gagawin mo? Mahal nyo ang isa't-isa." Seryosong tanong para sa isang naguguluhang ako.Tsk. Bakit kailangang mapunta sa akin ang ganitong sitwasyon?

"Hindi ko alam. Ipagpapatuloy ko na lang siguro ang nasimulan nya. Magpapanggap ako na hindi ko pa sya kilala bilang Wendyl at siya pa rin si Wendy. Tamang ganoon na lang siguro hanggang sa magawa kong tuparin ang gusto nya." matapos kong sabihin iyon natulog na kami. Hawak ko pa rin ang kamay nya.


_________________

Ruu-chan... Seriouse mode activated. Tapusin ko kaya ito with a bang?

Kailangan ko ng fantasy sa katawan!! hahaha... Magpapaka sci-fi na ako nxt tym. hahaha

Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon