ALEXANDER’s POV:
Excited na ko sa party mamaya, ang tagal naman mag 9. Ano kaya susuotin ko? Dapat maganda, malay mo, sa kapogian ko, mahulog na sakin si Hanna. Dba? Ano kaya mga tipo ni Hanna sa mga lalaki? Gwapo kaya? Matalino? Bat ko ba iniisip ‘to? Haha, isipin ko muna susuotin ko mamaya.
Ano kayang maganda? Hmm? Siya kaya, ano kaya susuotin niya? Kahit naman ano suotin nun, maganda na siya e, lahat bagay sakanya. Puntahan ko na nga lang siya sa kwarto niya. Mag tatanong na din ako kung ano magandang suot.
“Hanna?”
“Oh?”
“Busy ka?”
“Not much. Ano yun?”
“Patulong naman. Di ko alam susuotin ko e.” Lumabas na siya ng kwarto, naka-bath robe lang siya, kakatapos lang niya maligo, grabe, ang bango niya. Parang gusto ko siyang yakapin at amuy amuyin.
“Kaya mo na yan, bagay naman sayo lahat e.” Sabay sarado ng pinto. Ba naman ‘tong si Hanna.
“Dali na!!! Ayoko naman mapahiya sa mga friends mo nu.” Katok ko ulit.
“Ang arte mo! Hahaha. San ba?”
“Dun sa kwarto ko.”
Punta naman kami sa kwarto ko, tagal naman niya mamimili, di niya ata gusto mga damit ko. Pfft.
“Tagal naman…”
“Teka lang ha, atat masyado. Hmm, eto, maganda ‘to, then etong shoes na ‘to.”
“Sure ka?”
“Yup. Pag kakaguluhan ka na ng mga babae dun.”
“Ayaw kong pag kaguluhan nila ko, sayo lang ako. ^______^”
“Leche. Sige na, mag aayos na ko.”
8 na, tagal naman namin umalis. Gusto ko ng makipag party, na miss ko din yun ha. Ano pa ba ginagawa ni Hanna? Tagal naman, mga babae talaga, ang babagal kumilos. Puntahan ko na nga lang siya sa kwarto niya.
“Hanna!! Tagal mo naman, anong oras na oh.” Katok ko.
“8.” Tsk, namilosopo pa.
“Baka ma-late tayo.”
“Teka lang, wait. Excited masyado.”
“Ang tagal kasiiiii..”
“Hintayin mo nalang ako sa baba, malapit na ‘to.”
Tagal talaga, di naman na niya kasi kailangan mag paganda, maganda naman na siya e. Baka naman nandun yun EX niya? Kaya ganyan siya? Tsk, mga babae talaga…
“Tara na!”
WOW. Ang ganda niya! Oo, maganda na siya, pero mas maganda siya ngayon. Iba yun ganda niya ngayon. Lalong nakaka-in love. Pag ako, naging boyfriend nito, di ko na papakawalan ‘to.
“Sabi ko, tara na. Natulala ka dyan? Ganda ko no? Hahaha.”
“Ah, eh. Ang ganda mo Hanna.”
“Matagal na, haha! Tara na.”
“Sige sige, tara na. Ako na mag drive. Sakay ka na.” Pinag buksan ko siya ng pinto. Yun itsura niya parang gulat na gulat, na nagtataka.
“Eh? Sige.”
Papunta na kami sa party ng friend niya, di pa din ako maka-get over sa kanya. Ang ganda niya talaga. Di ako mapakali, parang ang swerte swerte ko ngayong gabi. Di ko siya makausap, parang pag kinausap ko siya, mamula nalang ako dahil sa sobrang kilig. Hay Hanna, sana sakin ka nalang.
BINABASA MO ANG
IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*
Teen FictionNaranasan mo na bang magmahal? Pero iniwan at sinaktan ka lang din naman? Susubukan mo pa bang magmahal muli? Kung alam mong walang kasiguraduhan na mamahalin ka din pabalik at hindi ka na masasaktan. Paano kung bigla nalang may dumating sa buhay mo...