Copyright © 2014 by Lexilabbs Stories
ALL RIGHTS RESERVED.No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by an means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permittes by law.Some characters,places and scenes are only fictional. Be aware some VULGAR WORDS, it is only used to expressing the character's feelings. REMEMBER, Plagiarism is a crime. Anyone caught of this crime will face the consequences.
**
CAMERA
written by: Lexilabbs
CLAIDEE's POV
" .... Nasa tabi mo!! " sigaw ni Kent at nagtakbuhan sa labas ang mga kasama naming babae. Kaming tatlo lang nila Kent, Ako, at Sean ang nasa loob ng kwartong pinagkwekwentuhan namin.
" HAHAHAHAHA!! " tawa nilang dalawa. Sumimangot ako dahil sa ginawa nila. " Ang sama nyo talaga!! " sigaw ko. Di parin sila tumitigil sa pagtawa. Lumabas ako para hanapin ang mga kasama naming 5 babae.
Madilim na at nakakatakot pa ang lugar na pinagtambayan namin para magkwentuhan ng nakakatakot. May malalaking puno, na akala mo'y nakatingin sa iyo. Madilim na lugar na isang ilaw lang ang lumiliwanag sa lugar.
" Boo!! "
" KYAAHHH!! " tili ko at nakita silang dalawa ni Sean at Kent na tumatawa dahil nagulat ako sa ginawa nilang dalawa. Bwesit talaga silang dalawa. " Nakakainis talaga kayo!! " sabi ko at naglakad para hanapin sila Karisa , Sofie , Justine , Yuri , Sica.
" Hoy kayon dalawa! Samahan nyo nga ko!! " sabi ko na di pa nakakalayo sakanila. " Bakit natatakot ka? " sabay nilang sigaw saakin na tumawa ulit. " Alam mo ba yung kwento ng 'CAMERA' ? " tanong nila at lumapit saakin.
" H-Hindi " sabi ko na niyakap ko ang sarili ko dahil nangingilabot na ako. " Paghinawakan mo yung 'CAMERA' na iyon, May makikita kang babae na may hawak ng CAMERA at pagnakuhanan ka ng litrato, bigla ka nalang mawawala at papatayin ka noon sa loob ng 'CAMERA' " sabi ni Sean.
" Hay nako!! Kalokohan nyo talaga!! " sabi ko at lumayo na sakanila. " Sige wag kang maniwala! Pinupuntirya pa naman noon ay mga taong walang paniniwala! " masyado na silang hindi makatotohanan.
" Ewan ko sainyo!! Bahala kayo jan!! " sabi ko at naglakad na ako palayo sakanila.
" Karisa!! Sofie!! " sigaw ko habang naglalakad.
" Karis--- " di ko na natuloy dahil may yumakap agad saakin at si Justine iyon. " Justine , nasan ang iba ? " tanong ko sakanya. " H-Hindi ko alam " sabi nya habang nakayakap saakin.
" Tara , hanapin natin " sabi ko at kumalas sya sa yakap at hinawakan ako sa braso. Patuloy parin kaming naglalakad at nagbabakasakaling sumagot sila sa sigaw namin.
" Sofie!! Sica!! Yuri!! Karisa!! " sigaw naming dalawa ni Justine. " Yuri!! Sic--- " biglang sumulpot si Karisa at niyakap kaming dalawa. Umiiyak sya.
" Tahan na Karisa , nandito na kami " pagco-comfort ko sakanya. Tumahan naman sya. " Sila Sofie? " tanong ni Justine sakanya. " Camera " sabi nya at kumunot naman ang noo ko. " Camera? Huh? " sabi ko sakanya.
" Y-Yung camera , Yun ung P-Pumatay sakanilang dalawa " biglang nagflashback ang sinabi saakin kani kanina lang nila Kent at Sean. " Camera "bigla kong nasabi at tumingin sila saakin.
" Ano bang meron sa Camera? " tanong ni Justine. " S-Sila Kent, Alam nila ung tungkol sa Camera " sabi ko na nangingilabot. " K-Kaya daw nitong p-pumatay " sabi ko at niyakap nila at na may balot ng takot.
" Diba hindi totoo iyon? " tanong ni Justine na nakayakap. " T-Totoo, " tanging nasabi ko lang dahil may nakita kaming matanda na nakatingin saaming tatlong magkakayakap. " Dapat hindi na kayo pumunta dito " sabi ng matanda saamin.
" B-Bakit ho ? " sabi ko sakanya. " Teritoryo nya ito " sabi ng matanda. " Ninu po ? " sabi ko. " Ni Satana " Satana. Kilala ko si Satana. Sya yung babaeng binaboy, pinaglaruan ng mga kalalakihan. Kinuhanan sya ng litrato habang sya'y walang saplot.
Si Satana'ng inosenteng bata. Biglang may nagflash sa likuran na matanda at bigla syang nawala. " Satana " sabi ko dahil nasa harap namin sya at may hawak hawak na camera. " Satana " sambit ko muli.
" Gusto nyong maglaro ? " sabi ni Satana na may hawak na camera na punong puno ng dugo. Natatakpan ng buhok ang mukha nya at isang mata lang ang nakalabas. Sira sira ng damit nya. Nababalutan sya ng dugo.
" Patay patayan ang lalaruin natin " sabi nyang muli. Hindi ko maibuka ang bibig ko. " A-Ayaw namin maglaro " tanging nasabi ni Justine at nagflash ang camerang hawak hawak ni Satana. Wala na si Justine. Tumulo bigla ang luha ko.
" Sinong gustong sumunod ? " sabi ni Satana. " Masaya bang pumatay ? " sabi ni Karisa at tumingin sakanya si Satana. " Oo " at nawala si Karisa. Ako nalang ang natitira. Patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko.
" Satana, tama na " tanging nasabi ko. " Hindi ako titigil hanggat hindi ko napapatay ang lalaking bumaboy saakin " sabi nya at akmang kukuhanan ako ng litrato pero nagsalita ako. " Sila Kent at Sean ba? " tanong ko. Lumapit ako sakanya.
" Oo , dahil kaibigan nila kayo. Kailangan nyong mamatay " sabi nya. " Hindi mo kailangang patayin ang ibang tao para magkaroon ng hustisya ang pagkamatay mo " sabi ko sakanya. Hinawakan ko ang camerang hawak hawak nya.
" At hindi hustisya ang pagpatay. " sabi ko at kinuha ang camerang hawak hawak nya.
" Tumigil kana Satana. Madaming buhay na ang kinuha mo para sa dalawang taong bumaboy saiyo " sabi ko. " Kailangan nilang mamatay " sabi nya. Nanlilisik parin ang mata nya saakin.
" Alam kong kilala mo ako Satana, Si Claidee to. Ang babaeng tumulong sa iyo noong kailangan mo nang tulong " sabi ko sakanya. " Kaya, sige na Satana. Itahimik mo na ang kaluluwa mo " sabi ko. Akma kong babasagin ang camera pero lumutang ito papunta sakanya.
" Wala akong paki sa sinasabi mo, kailangan mong mamatay!!! " sabi nya at kinuhanan ako ng litrato dahilan para mawala ako at napunta ako sa madilim na lugar.
THE END
BINABASA MO ANG
Camera
HorrorManiniwala ka ba kung sasabihin ko sayong kaya kang patayin ng 'CAMERA' lang? Maniniwala ka ba sa sasabihin na tao sa iyo? Sa kwentong akala mo 'KWENTONG BARBERO' lang. Iyon pala ay totoo. " I will kill you " - Satana BOOKCOVER Credits to:@justglitt...