Chapter 18: Four-years. Part II

70 2 0
                                    

HANNA’s POV:

Di ko kinaya yun nangyari kanina, akala ko tuluyan na kong hindi makakaligtas kay Toby, buti nalang dumating si Alex, salamat sakanya. Siguro, kung hindi siya dumating, baka tuluyan na kong nabastos kanina.

Inaantok na ko, gusto ko ng umuwi, onti nalang din yun mga bisita. Nasan na kaya si Alex? Hanapin ko na nga, para makauwi na kami.

“Huy, nakita niyo ba yun kasama ko kanina?”

“Sino? Yun lalaki na pogi? Yun matangkad?” Lalaking pogi nga, tsk. Mga babaeng ‘to!

“Oo, yun nga. Nakita niyo ba?”

“Hindi e.” Hay nako! Kala ko naman alam nila kung nasan si Alex! Pfft. Tanungin ko nalang kay Angela.

“Angela, nakita mo ba si Alex? Uuwi na kasi kami e.”

“Ah? Ayun oh.” Tinuro niya si Alex, nakahiga sa sofa.

“Ah, sige sige, salamat.”

Tsk. Lasing na ba ‘to? Pano ko bubuhatin sa sasakyan ‘to? Kainis naman. Alagain pa.

“Huy Alex, tara na, uwi na tayo.”

“Ayoko paaaaa, inom pa tayooooo.” Tsk, lasing na nga.

“Tara na, tumayo ka na dyan. Uwi na tayo, pagod at inaantok na rin ako.”

“Hanna, mahal mo ba ko?”

Pinagsasabi nito? Tsk. Mga lasing talaga, kung ano ano sinasabi. Papabuhat ko nalang siya sa mga lalaki dito, ng makauwi na din kami.

Hay salamat, nakauwi na din. Ang bigat ni Alex, grabe. Teka nga, makakuha muna ng maligamgam na tubig tsaka towel, ng mahimasmasan ‘tong si Alex.

“Hanna.”

“Ano yun?”

“Mahal mo ba ko?”

“Lasing ka lang. Teka nga.”

Nako Alex, iinom inom, di naman pala kaya. Aalagaan pa tuloy kita ngayon. Tsk. Kung ano ano pa yan sinasabi mo.

“Hannaaaaa.”

“Ano ba yun? Kanina pa ha.”

“Naalala mo yun babaeng nakita mo nun nakaraang araw?” Okay na kaya siya, o lasing pa din?

“Ah? Oo, yun girlfriend mo?”

“Tsk. Di ko siya girlfriend!” Hala, nagalit. Lasing pa nga.

“E ano mo siya? Kung tratuhin mo kasi siya, parang girlfriend mo.”

“First love.” Wow. Si Alex, may first love? Hindi ko inakala, kung titignan mo kasi siya, parang hindi nag seseryoso sa relasyon, playboy kasi ang dating niya sakin.

“Wow. Ano nangyari? Bakit kayo nag break?”

“Hindi naman naging kami.”

“Ha? Ang labo naman?”

“First love ko siya. Pero hindi naging kami.”

“Pero alam niya na mahal mo siya?”

“Oo. Alam niya. Inamin ko sakanya, akala ko nga may pag asa kami e.”

“Bakit biglang wala?”

“Sabi niya sakin, mahal niya din daw ako. Mag hintay lang daw ako, kasi hindi pa daw siya ready? Hindi ko alam. Basta, sabi niya lang, mag hintay daw ako.”

“Naghintay ka naman ba?”

“Oo. Ilang taon akong nag hintay. Siguro, mga 4-years? Pero wala, nasayang yun pag hihintay ko.”

“Huh? Anong nangyari? Bakit nasayang? E dba magkasama lang kayo nun nakaraan?”

“Yun nga, dumating siya. Sabi niya, mag hintay ako dba, ginawa ko naman. Ngayon dumating na siya. Hindi ako nag hanap ng iba, dahil sakanya. Sinubukan ko na makipag flirt sa ibang babae, sinubukan ko din na kalimutan na siya, kasi nga, pakiramdam ko, masasayang lang yun pag hihintay ko.”

“Dumating na siya, dba dapat masaya ka na? Bakit masasayang?”

“Dumating siya dito, mag babakasyon lang siya. Siya mismo nag abot sakin nun invitation. Kakasal na siya sa September. O dba, sayang na sayang yun pag hihintay ko. Nakakagago lang. Tsk! Pag ibig talaga!”

“Grabe naman, sana sinabi niya noon pa na wag ka na mag hintay. Sayang yun 4-years, tsk. Kaya ako, di na ko naniniwala sa mga love love na yan. Hindi naman totoo. Masasaktan ka lang.”

Ang dami ko pang sinabi, hindi naman pala siya nakikinig. Hmp, kainis ‘tong si Alex ha. Pero ang saklap din pala ng love life niya, akalain mo yun, nag hintay siya ng napakatagal, tapos wala din pala?

Mas masakit pa yun sa iniwan at niloko. Ang sakit kaya mag hintay ng napakatagal, tapos walang kasiguraduhan. Lalo na pag hindi pa kayo, wala kang pang hahawakan.

Aasa ka lang sa wala. Maliban nalang kung swerte ka, kung babalikan ka talaga niya. Pano kung tulad nung kay Alex? Saklap.

Kaya ako, kahit kailan, di na ako magmamahal ulit. Ayoko ng masaktan. Mamahalin ko nalang yun sarili ko.

Pano ko kaya iaakyat ‘tong si Alex? Ang bigat pa naman niya. Dito ko nalang kaya siya patulugin sa sala? Kaso kawawa naman.

“Hanna.”

“Anong kailangan mo?” Gising pa pala siya. Bakit siya naiyak? Dahil kaya dun sa babae? Siguro. Hmm.

“Lapit ka sakin.”

“Malapit na ko sayo.”

“Lapit ka pa, onti pa.”

“Ayan, okay na?” Nilapit ko mukha ko sakanya, para tumigil na.

Nagulat ako ng bigla niya kong hinalikan. Hindi ko alam, sumasagot na pala ako sa mga halik niya. Iba yun nararamdaman ko habang hinahalikan ako ni Alex, ngayon ko nalang ulit naramdaman ‘to.

Yun para bang true love ko si Alex, na ayaw kong tumigil dahil gusto ko at mahal ko siya.

“Hanna, sorry.” Tumigil na siya. Ako naman, natahimik lang.

Tahimik lang kaming dalawa, di kami kumikibo. Nawala yun pagod at antok ko dahil sa ginawa niya.

Wala pa rin nagsasalita. Wala rin gumagalaw. Walang kibuan. Hindi naman ako maka-alis sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wew. Ako na lang ang babasag sa katahimikan.

“Akyat na ko.”

“Hanna, sorry.”

“Okay lang. Sige, aakyat na ko.”

Ano daw sabi ko? Okay lang? Dba dapat magalit ako sakanya? Bakit hindi ako nagalit? Dahil gusto ko din yun ginawa niya? Hay, ang gulo. Antok at pagod lang ‘to. Bukas, wala na ‘to.

IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon