Chapter 34

10.6K 171 26
                                    


Nagmamadali akong umalis papalayo ng building habang pinipigilan ang lumuha. Naisip kong magpalipas ng oras sa dalampasigang kalapit lamang, kaya doon ako tumungo.

Inisip kong basura lang pala sakanya ang lahat? Ano ang mga pinararamdam niya sakin nitong mga nakaraang araw?  Napailing ako ng tumunog ang aking kalamnan. Gutom ako, sayang un pagkain pero di ko maatim kumain kung mula lang yon sa mapagpanggap na tao.

Kasali ang baby namin sa past, does he also consider it as a trash? Just for the sake of his first love? Ganon ba yun? Sobrang dali lang sakanya, ni di niya ako mabigyan ng halaga. Napangiti ako, hanggang dito nalang talaga ang mommy mo anak. Di na kaya makapunta pa sa puso ng daddy mo.

Niyakap ko ang sarili at nakuntento na lamang na pagmasdan ang ganda ng dalampasigan. Gaya ba ng alon, sasayaw rin ako dahil sa saya balang araw? Naramdaman kong may pumapatak ng tubig kaya tumingin ako sa langit at nakitang makulimlim na. Sana nakakamatay nalang ang ambon para patay na ko tutal wala naman nagpapahalaga sakin diba?

Para na akong baliw na nakaupo parin sa gitna ng malakas na ulan. Di ako magpapatinag sa kahit na sino. Wala na akong gana pang mabuhay, iniwan na ko ng mga importanteng tao sa buhay ko. Suzie nasan na yung pagiging palaban mo? Napatingin ako sa harap ko ng makitang may anino ng isang matangkad na lalaki habang may hawak na payong ang nakapwesto saking likod.

I didnt bother to see who is it, dahil baka isa lamang itong concerned citizen.. na gusto na akong paalisin sa gitna ng dalampasigan dahil sa unti-unting paglakas ng ulan.

Ilang sandali ng marinig kong suminghap siya at umubo kaya napalingon na ako. Saglit akong napanganga sa kung sino ang lalaking may hawak na payong pero agad ring napalitan ng lungkot. Baka sakaling siya.. baka sakaling hinabol niya ko. Pero hindi.. disappointed kong binaliwala si Red.

"Cant you atleast.. stay where theres a roof?" Tinabihan niya ako kayat umusog ako ng kaunti at hinayaan lamang siyang nagindian seat sa tabi ko habang hawak ang payong. Tahimik lang akong nanunuod ng bawat patak ng ambon sa dalampasigan.

Ilang sandali ng mapansin niyang wala akong balak pansinin siya ay muli na naman siyang nagsalita.

"Dont let the past ruin your present Suzie.." Ayun lamang ang huling sinabi niya at tumayo na siya. Inabot niya sakin ang payong kaya napatingin na ako sakanyang ekspresyon. Malungkot na ekspresyon ang ipinakikita niya sakin.

Bahagyang napakunot ang noo ko. Is it another act? Pareho ba sila ni Cassy ng intensyon sakin? Hindi ko napansin na napatagal na ang titig ko sakanya kayat nahihiya siyang nagkamot ng batok habang iniaabot parin saakin ang payong. Kinuha ko ito ng wala sa sarili at ngumiti ng mapait. Tumango siya bilang pagpaalaam at bago pa siya tumalikod may sinabi siyang hindi ko gaanong makuha.

"Im hoping that someday.. someday, Quiel will be finally able to see, to read the truth behind those innocent eyes of yours."

Nagpalipas pa ako ng ilang minuto bago tuluyang napagpasyahan umalis. Umihip ang malakas na hangin kaya nagulo ang buhok ko, nabitawan ko ang handle ng payong kaya naman hindi ko namalayang hinangin ito palayo. Nagmadali akong tumakbo sa kung saan ito napadpad at halos umatras ako ng makitang tumusok ito sa isang malaking ice cream na hawak ng isang lalaki.

"Fuck! Who fucking owns this umbrella? Itutusok ko to sakanya." Nanggagalaiting tinanggal ng lalaki ang payong sakanyang ice cream, at bago pa ako makatalikod napunta na ang mata niya saakin. Not minding the beautiful girl beside him na tinatawanan lang siya habang iniinggit sa pagkain ng ice cream. Napunta ang mata ko sa babae at napansin kong mukhang may something sakanila? Pareho silang maitsura, at para silang perfect match na binuo ni Cupid.

The Ugly Wifes Revenge(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon