Chapter 7

5.6K 106 0
                                    

Elaine's POV


Natapos na ang klase namin ngayong araw. Half-day lang dahil this week na din ang exam kaya binigyan nila ng time na mag-review ang mga estudyante. At ang plano ko naman... ay maghanap ng apartment.

Pinuntahan ko ang apartment na sinabi ni Anjo na tabi lang ng hospital nila... afford ko naman dahil may laman pa ang credit card ko pero hindi ko alam kung kukunin ko din ba agad yon. Maybe I need to find another apartment hanggang sa mahanap ko talaga kung saan ako satisfy manirahan.

Napatigil ako sa paglalakad nang may nakita akong dalawang tao na nag-uusap. Agad akong nagtago sa likod ng sasakyan ko nang mamataan ko na si Anjo at Colleen pala iyon.

"Can we date?" sabi ni Colleen.

Tahimik lang ako na nakikinig sa kanila. I know it's wrong to eavesdrop to their conversation... but it seems interesting.

Nakita ko ang pagpikit ng mariin ni Anjo. Say no, you idiot.

"It's still a no, Colleen."

Napangisi ako dahil doon. Good boy.

"Bakit ba hanggang ngayon ay nirereject mo pa din ako? Hindi mo ba talaga ako gusto?"

Nakita ko na hinawakan ni Colleen ang braso ni Anjo. Gusto kong tumakbo papunta doon para putulin ang braso niya! Bakit ba siya nagpapaawa na i-date siya ni Anjo? Ganon na ba siya kadesperada?

Dahan-dahan na iniwas ni Anjo ang braso niya sa hawak ni Colleen, "Go home."

Just like I said, Colleen is one of my friend before. First year kami naging magkaibigan.

Sa totoo nga lang ay hindi ko talaga siya gusto maging kaibigan pero katulad siya ni Jen na kinukulit ako. In fact, she's smart and kind. Maganda rin siya kung tutuusin.

Kahit na nalaman niyang kasama ako sa isang gang ay hindi siya lumayo.

She always support me in whatever I'm doing, minsan ay nagugulat pa ako sa biglang pagsulpot niya kung nasaan ako kaya nakikita niya tuloy kung paano ako makipag-away.

Siya ang laging naggagamot ng mga sugat ko, kapag may nagawa akong kalokohan sa school at nasa office na ako ni Mama, agad siyang susulpot para ipagtanggol ako.

"Dean, it's just self-defense! Mga bully po talaga ang nang-away sa kanya kaya deserve nila na masapak."

"Miss Borja, dalawang estudyante ang nasa hospital ngayon at walang malay--"

"Because that's what they deserved. Huwag niyo na pong pagalitan si Elaine."

In that moment... pakiramdam ko ay nagkaroon din ako ng kakampi.

Si Colleen lang ang tinuring kong kaibigan sa school na 'to. Hindi man kami laging magkasama pero alam kong nandito lang kaming dalawa para sa isa't isa.

"Anong 'Girl Monster'?! Eh mas mukha nga kayong mga halimaw kesa sa kaibigan ko! Mga ugly creatures!"

Hinahayaan ko lang siya tuwing nagsisisigaw siya sa mga tumatawag sa akin na Girl Monster. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tawag na iyon pero doon na rin ako nakilala.

Tuwing maririnig niya na tinatawag akong ganon ay inaalam niya ang pangalan at pinapadala niya agad sa guidance office. Kapag hindi pa rin nagtino ay hindi niya napipigilan ang sarili na mag-physical fight...

Nagugulat na lang din ako sa ginagawa niya. Siguro sa kakanood niya kung paano ako makipag-away eh na-apply na din niya sa sarili niya kung paano.

Sinabihan ko siya na itigil na ang pagtanggol sa akin dahil wala rin namang mangyayari.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon