Chapter 19: Infuriating!!!

110 2 0
                                    

Ang aga ko naman nagising, Sunday ngayon ha? Bakit ang aga kong nagising? Anong oras palang. Dapat natutulog pa ko. UGHHH. Ay, 9 na pala, tanghali na din. Maka-bangon na nga.

Kamusta kaya si Alex dun sa baba? Okay na kaya siya? Silipin ko nga muna. Baka pinag pyestahan na ng mga lamok yun dun, wala pa naman siyang kumot kagabi. Kawawa naman.

Parang ang bait niya pag natutulog, ang sarap niyang titigan. Ito yun humalik sakin kagabi, kung iisipin mo, parang ang swerte ko. Ang pogi niya, swerte talaga ng mamahalin nito. Gaya nga ng sinabi ko noon, mabait siya at sweet.

May pagka boyfriend material nga siya e. Medyo mayabang nga lang, pero pwede ng tiisin. Yun babae, yun first love niya. Sinayang niya si Alex, tsk. Pinaghintay niya ng ganun ka tagal, kung ako si Alex, di ko na hinintay yun.

Kaso mahal niya talaga, wala tayong magagawa. Ganun ba talaga nagagawa ng love? Nakakaloko naman. Parehas lang pala kami ni Alex, siguro takot na din magmahal at masaktan ‘to?

Pag ibig talaga. Ako nga e, halos patayin ko pa sarili ko ng dahil sa pag ibig na yan. Kaya ako, wala, hindi na talaga. Ayoko na. Hindi totoo yun. Walang forever, walang true love. Ang bitter ba? Ganun talaga. Ayoko ng masaktan ulit, kaya ako ganito.

Pogi niya talaga. Sarap pang gigilan!! Hmp. Pag luluto ko nalang siya ng breakfast, para naman makabawi ako sa mga ginagawa niya para sakin.

“O, gising ka na pala. Tara, kain na.”

“Wow Hanna. Ikaw ba yan? Hinanda mo ‘to para sakin?”

“Opo. Para naman makabawi ako sa mga ginawa mo sakin.”

“Nawala yun sakit ng ulo. Thank you Hanna! Salamat!!” Yumakap pa. Waaa!

“Oo na, oo na. Di ako makahinga!”

“Sorry, haha. Masyado lang akong natuwa, thank you ha.” Sabay kiss sa cheeks. Sumosobra na ‘tong si Alex.

“Sumosobra ka na ha! Ligpit ko na nga ‘to!”

“Uy, wag. Tara kain na tayo. Haha. Subuan mo ko, dali.”

“Abuso lang? Kaya mo na yan mag isa.”

“Ang sakit ng ulo ko. Ugh, namamanhid pa ko. Hay.” Sus! Umarte pa!

“Arte mo! Amin na nga, parang bata.”

“Yehey!! ^_____^”

Tsk. Parang bata talaga, gusto pa sinusubuan. Amp. Kaya naman niya, nag iinarte lang. Dapat pala di ko nalang ‘to ginawa e. Hayaan ko nalang, para makabawi naman ako sakanya.

“Busog na ko. Timpla mo ko milk.”

“Grabe Alex! Abuso na!”

“Please?” Errr, nag pa cute pa si loko. Amp.

“Sige na nga. Last na ‘to.”

Naku! Kung hindi lang talaga ako bumabawi dito sa lalaking ‘to! Amp. Ma-timplahan na nga.

“Hanna.”

“Ano nanaman yun?”

“Yun gamot ko. Ang sakit ng ulo ko e.”

“O ayan! Nakakairita na ha!”

“Haha. Salamat!”

Humingi pa ng gamot, onting pasensya pa Hanna. Onti pa, kaya mo pa yan.

“Hanna.”

“OH? ANO NANAMAN?!”

“Thank you ha.”

“Sus. Hindi naman big deal yun.”

“Para sakin, napaka laking bagay na yun.”

“Wala yun.”

IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon