Ilang weeks na ba si Alex dito? Tagal naman mag 31, gusto ko na siyang umalis dito. Amp. Mag 2 weeks palang ata siya dito, bakit kaya hindi siya naalis? Lagi lang siya nandito sa bahay. Ano kayang ginagawa niya pag wala ako? Maliban sa pag luluto, paglalaba? Pero okay na din na nandito siya, may instant katulong ako. Haha!
Ilang araw na din simula nun nagkita kami ni Michael, hindi na siya tumawag o nag text pa ulit. Naasar kaya siya sa ginawa ni Alex? Baka naman busy? Wew. Ito nanaman ako, iniisip ko nanaman siya. Kalimutan na ang dapat kalimutan!
Hindi pa rin nag mamail yun secretary ni Mr. Dela Cruz, kailangan ng matapos yun. Tsk.
“Alex, pasok na ko.”
“Ah, sige, ingat.”
Bakit parang ang cold niya sakin nitong mga nagdaan na araw? Hindi siya ganun na nangungulit, dahil ba dun sa nangyari last Sunday? Tsk. Dba dapat ako ang magalit sakanya? Hmp, bahala nga siya. Alis na ko.
Hay! Gusto ko ng mag pahinga! Ang dami ko pang gagawin, i-audit ko pa yun interview ko sa mga Dela Cruz, madami dami din yun. Tapos, aayusin ko pa yun layout dun sa magazine, bakit kasi nag absent absent yun layout artist namin?
Kainis naman. Mag over time nalang ako, para bukas wala na kong masyadong gagawin. Kailan kaya mag mamail sakin yun secretary? Para tapos na talaga. Ayoko na ng madami pang iniisip, bakit kasi sakin pa i-nassign ‘to.
Nagsisiuwian na yun mga kasama ko, ako nandito pa din, kalahati palang sa na interview ko yun na-audit. Anong oras na ba? 7 na, break muna ko.
From: 09276563315
Panget!!
Sino naman ‘tong nag text? Ang kapal ng mukha para sabihan ako ng pangit. Hmp!
To: 09276563315
Sino ka?
Baka naman si Alex ‘to? Pero hindi naman niya alam number ko.
From: 09276563315
Secret. :P
Aba! Secret pa? Loko ‘to ha! Nanloloko pa. Sino kaya ‘to?
To: 09276563315
K.
Kala mo ha. Hindi ko sasayangin oras ko sayo!
From: 09276563315
Sungit talaga. Uwi ka na!
Ay bwiset. Si Alex nga! Loko yun! Pano niya nalaman number ko?
To: 09276563315
Ayoko. Mag over time ako.
Ayan, tumatawag pa. Reject call! Mangungulit ka nanaman.
From: 09276563315
Dali na. Uwi ka naaaaa. May surprise ako sayo.
To: 09276563315
Madami akong ginagawa.
--
From: 09276563315
E bakit ka nag tetext?
To: 09276563315
BINABASA MO ANG
IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*
Teen FictionNaranasan mo na bang magmahal? Pero iniwan at sinaktan ka lang din naman? Susubukan mo pa bang magmahal muli? Kung alam mong walang kasiguraduhan na mamahalin ka din pabalik at hindi ka na masasaktan. Paano kung bigla nalang may dumating sa buhay mo...