Friday. 10:00 PM na.
Kinabukasan ay debut na ng aming batchmate. At hanggang ngayon ay pinipilit ko pa ring umattend ang lalaking ito, si Jethro. ugggh. Kung sana sinabi niya na wala pala siyang isusuot edi sana hindi na rin ako naghanap ng dress para dun. Nagpeysbuk at nanood ng anime na lang sana ako maghapon. Ang layo pa naman ng event area kaya pagkakagastusan ko rin yun. leshe.
Hindi ko naman kasi talaga siya pipilitin kung wala kaming usapan. Sabi niya kasi kung hindi ako pupunta ay hindi rin siya pupunta. Kaya heto nung nakapagdecide ako, siya pala naman etong walang isusuot kaya di siya pwede.
*phone call convo*
"Jethro naman eh! Iiwan mo ba talaga ako dun?"
"Wala nga kasi akong pang-semi formal."
"Gosh naman. Hindi ba napunta ka sa mga sayawan tuwing fiesta? Yun na lang!"
"T-shirt lang ang suot ko dun. ang init kaya mag-polo."
*Naghahalikwat na ako sa mga gamit ng kapatid kong lalaki para tingnan kung mayroon siyang polo.*
"Eto. May polo ang kapatid ko. Kaso magkasize tayo di ba?"
"Oo ata. Magkasize tayo."
"Luwag sakin. Luwag din siguro ito sayo. Haayst."
"Theia, hindi na nga lang kasi. Ez"
"Naknang. Ang daya mo naman eh! Ez ka jan ng ez"
"Anong gagawin ko? mao-OP lang siguro ako dun, ikaw lang naman nakakausap ko eh."
"Tsk. Hindi nga. ops may naisip akong paraan. punta ka sa bargain bukas! 10 pesos lang ang polo dun."
"Ayoko."
"*sighs* Sige. Wag na nga. Inaantok na ako. Bye."
*end call*
Hindi ko na hinintay pa na makasagot siya kasi naiinis na ako. Kung ayaw niya, edi wag na! Ako na lang ang pupunta mag-isa. Maghahanap na lang ako ng bagong kasama. Halos 1 hour ko na rin siyang kausap sa phone tas pabebe pa rin siya!
"Theia! Matulog ka na. Alas onse na oh. Akala ko may pupuntahan ka pa bukas?"
"Opo, ma. May inaayos lang po."
Tumulog na ako at bahala na nga lang bukas.
Saturday. 5PM
Nakarating ako sa event area, isang bonggang hotel and resort, mag-isa. Hindi ko na rin kinontak pa si Jethro. 6PM pa naman ang umpisa kaya keribels pa. Pagdating ko doon ay nakita ako ng ilang batchmates kaya inayusan nila ako.
Honestly, sobrang close talaga namin sa isa't isa. Parang naging mga kapatid ko sila. Kaso lang may ilan na gustong mag-drift away. gaya ni Jethro. And my main purpose na rin kung bakit ko siya pinipilit ay ayoko na lumayo ang loob niya sa amin.
Matapos akong maayusan ay nagbihis na ako. Eleganteng dress at sapatos na may heels. Hindi talaga ako nagsusuot nito kaya mejo shookt din sila nung nakita ako.
"Sino-sino na ang nandito?" tanong ni Erika.
"Ang nandito pa lang ay ikaw, Theia, Albert, Dominic, Rhea, Princess at Jethro. Nasa biyahe pa raw yung iba galing Manila" sagot naman ni Marie, debutant.
BINABASA MO ANG
KAYO NA BA?
Short StoryAng storyang ito ay tungkol sa dalawang magkaibigan o pwede na rin nating sabihin na magka-ibigan. Charot lang yun. Isang kwento ng magbespren. Kaya please basahin mo na HAHAHA iboto mo na rin. Paalala lamang na ang pangalan ng mga karakter at pangy...