iin desu ka (Is it okay?)
===========
Mahirap umamin pero mas mahirap ang hindi magsabi sa mahal mo ng nararamdaman mo.
==========
ika labing walong kabanata
-Iien Desu Ka?
pag-amin?Aldrin's PoV
Nagising ako sa loob ng ospital. Nakahawak sa kamay ko ang pinaka mamahal ko. Tumayo ako sandali at tiningnan sya. Napansin ko din na may iba pang tao sa kwartong ito. Lumingon ako sa kaliwa at nakita ko lang kung sinong nandoon ng nawala ang nakatakip sa bwan at nasilayaan sila ng liwanag nito.
Sina Ro at Wends. Bakit napapalibutan ng band-aid si Wends at pinagmukhang zombie? Natuluyan na ba ang kaibigan ko? Hindi na ako nakapag-isip pa dahil nilamon na ulit ako ng antok.
Kinabukasan nagising nanaman ako sa ingay na narinig ko.
"Ingay.." tumayo ako na nakahawak sa ulo ko ang kaliwa kong kamay. Medyo nahihilo pa rin ako. Iminulat ko ang mga mata ko. Noong umpisa nasilaw ako sa liwanag. Sinu ba namang hindi masisilaw e nakaharap ako sa bintana.
Iniadjust ko ang paningin ko at ng magawa ko na nakita ko ang dalawang R na nag-aaway sa romote kontrol. Hawak nila ang tigkabilang dulo at hikitan sila ng hikitan. Natigilan lang sila ng makita nila ako na kanina pa nakatingin sa kanila.
Parehong nanlaki ang mga mata nila pero agad na umiyak ang R ng buhay ko. Ang pangga ko...
Na aking patuloy na niloloko.
Humarap ako sa kanya na puno ng pagmamahal. Mahal ko si Rhianna. Walang magbabago doon pero kinakain ako ng konsensya ko sa nagawa ko kay sister Necean. Hindi tama yung ginawa ko. Alter ko mang matatawag iyon, katawan ko pa rin ang nanamantala sa kanya.
Yumakap sa akin si Rhianna kaya niyakap ko rin sya.
"Panngaaaa~" umiiyak sya ng tinawag nya ako sa endarment namin. Napangiti ako noon at napansin iyon ni Ro.
"Mukhang namiss ka talaga nya Alwina." Nagulat ako sa tinawag nya sa akin. Akala ko alam na nya at sinabi na ni Rhea sa kanya ang katotohanan. Pero mali pala ako. Nanatili sya sa pangako namin. Nanatili syang nagmamahal sa akin.
"Halata ko nga Ro. Ano ba yang pinagkakaguluhan nyo kanina at nagawa pa akong gisingin noon." Tanong ko na lang para maiba naman.
"Pangga, sabi ko kasi hinaan nya yung TV kasi baka magising ka~" umiiyak pa rin sya pero sa halip na malungkot ako sa iyak nya natawa pa ako. "Pangga naman e, bakit mo ako tinatawan?"
"Insane. Didn't you wake me because of that little figth?" ano 'to? hindi naman ako madalas mag-engles pero bakit biglaan ko na lang nasabi iyon? Nilalamon na ba ako ng Alter ko?
"Hahaha.. oo nga ano. Pangga anong gusto mong kainin? Bibili muna kami ni Ro." Nakangiti nyang tanong. Inayos pa nya ng kaunti ang dilaw nyang buhok.
"Kahit ano na lang pangga." Sabi ko tapos ngumiti. Ngumiti din sya at iilang patak ng luha ang kumawala sa mga mata nya ng pumikit sya. Nalungkot talaga sya sa bigla kong pagkatulog ganun ba? Teka ilang oras ba akong nakatulog? "Teka lang, ilang oras na akong nakatulog?" tanong ko kay Ro dahil nakalabas na agad si Rhea.
"Limang araw na." Sagot nya at lumabas na rin.
Limang araw. Limang araw na akong natutulog at hindi ko man lang nalaman kung ano na ang nararamdaman ngayon ni Sister Necean.
Kung limang araw na kaming natutulog dito, ibig sabihin, mayroong nagpalit ng damit ko. Tiningnan ko ang damit ko at nakita kong iba na nga ito. Tumingin din ako kay Wendyl at nakita kong nakapadyama rin ito. Ang pinagkaiba lang namin sya may boobs. Tumingin ulit ako sa sarili ko at nakita/ nakapa ko na may boobs din ako. Maliit lang naman pero meron. Ibig sabihin ba si Rhea ang nagbibihis sa amin nitong nakaraan? Siya lang naman ang nakakaalam na lalaki kami e.
BINABASA MO ANG
Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)
Novela JuvenilSi Wendyl isang lalaki na gagawing ang lahat makita lang muling tumakbo ang babaeng sobra nyang minamahal. Ika nga mga sinaunang mangingibig. "Gagawin ko ang lahat masunod ka lamang." Kaya naman sumunod nga si Wendyl. Sa pambabae nga lang na Eskwela...