Angel of Death
By: jhulie_nyx
Ash’ POV
Ang dami-daming sections or mga department dito sa itaas. Pero ang hindi ko matanto ay bakit sa dinamidami ng pwedeng paglipatan ni Boss, dito pa talaga sa R.I.P.D (Rest in Peace Department), in short for section ng mga angels of Death ako nilipat?
Heto ako ngayon, nagpapalit ng uniform at kagamitan kasi nga ngayon ako ay naging isang opisyal na Kamatayan. Kung dati ay purong puti ang suot ko, ngayon nakablack na hoodie akong suot sa labas ng plain white shirt na kapartner ng black skinny pants at black chucks. To make the long story short, from being a Guardian Angel, I became an Angel of Death.
Nung una, reklamo pa ako ng reklamo sa trabaho ko kasi sa tuwing susunduin ko na ang mga dapat sunduin ay halos mabingi ako sa iyak ng mga kamag-anak ng namatay. Naiirita ako. Pero, lumipas ang maraming taon at nasanay na rin ako. Ikaw ba naman, paulit-ulit na scenes ang madadatnan mo, di ka masasanay?
Pero kahit naging komportable na ako sa trabaho ko as Kamatayan, nakakamiss pa rin ang pagiging Guardian Angel. Ibang-iba kasi ang dalawa. If ang mga angels of death equivalent sa kamatayan then, guardian angels are the epitome of life. Parang ganun ‘yun.
Nagsisimula na akong ma-bore sa daily routine ko pero nagbago lahat ng yun isang araw.
Lyle Yuzon
Siya ang susunduin ko ngayon.
Nang tinititigan ko ang mukha at katawan ng lalaking nagngangalang Lyle Yuzon, napansin ko na hindi siya nag-iisa sa kwarto dahil may bigla na lang nagsalita.
“S-s-sino ka?”
I didn’t mind it dahil alam ko namang hindi ako ang tinatanong niya kasi naman hindi niya ako nakikita. Humans cannot see angels. Pero nang pinalabas ko na ang maliit na kutsilyo upang itusok sa dibdib ni Lyle, bigla na lang sumigaw ‘yung babae at mukhang takot na takot. Napaatras ako bigla dahil sa sigaw nito and then it struck me.
Nakikita niya talaga ako!
Shitpea!
Nakikita niya ako!
Halos magpanic ang buong sistema ko, hindi dahil nakikita niya ako pero dahil yun sa rason kung bakit at papano niya ako nakikita kaya mabilisan ko na ring tinawagan si Boss. This woman, I became her guardian angel once that’s why she can see me.
Rare ang mga pangyayaring ganito dahil once in a blue moon lang yata magka-case ng katulad sa case ko.
Angels are supposed to be the balance. Wala dapat silang emosyon because emotions trigger someone to become irrational. At sa bawat desisyong ginagawa ng mga anghel, makakasira lang ang emosyon dun. That’s why we are forbidden to fall in love. Ironic, right? Wala na nga kaming emosyon, so eventually hindi talaga kami maiinlove. Pero, kahit wala kaming pakiramdam, maging tibok ng puso namin ay sadyang ipinagkait na rin, kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan, kahit mga anghel ay walang kawala dito. And I am one of those angels, I fell in love.
BINABASA MO ANG
Angel of Death (TTLS Fanfiction)
FanfictionThis is a FanFiction of the story "That Twisted Love Story" by pilosopotasya. Bidang-bida dito si Ash!! :D